Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga tao ay walang ganyang kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang kabuluhan, tinatalikuran sila ng mundo, ang kanilang buhay tahanan ay nililigalig, hindi sila pinakaiibig ng Diyos, at ang kanilang mga inaasahan ay nakapanlulumo. Ang pagdurusa ng ilang mga tao ay umaabot sa isang partikular na punto, at kanilang mga saloobin ay nagiging kamatayan. Hindi ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang kapangyarihan! Ang Diyos ay sabik para ibigin Siya ng tao, ngunit habang lalo Siyang iniibig ng tao, lalong mas dumarami ang pagdurusa ng tao, at habang lalong iniibig ng tao ang Diyos, lalong mas dumarami ang mga pagsubok ng tao. Kung iniibig mo Siya, kung gayon lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi mo siya iniibig, kung gayon marahil ang lahat ay magiging maayos para sa iyo, at ang lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag iniibig mo ang Diyos, madadama mo na ang marami sa paligid mo ay hindi mapagtatagumpayan, at sapagkat ang iyong tayog ay sobrang liit ikaw ay pipinuhin, at walang kakayahan na mapalugod ang Diyos; iyong madadama na ang kalooban ng Diyos ay masyadong matayog, na ito ay hindi maaaring abutin ng tao. Dahil sa lahat ng ito ikaw ay pipinuhin—sapagkat maraming kahinaan sa kalagitnaan mo, at lalo nang wala itong kakayahan na mapalugod ang kalooban ng Diyos, pipinuhin ka sa loob. Ngunit dapat na makita ninyo nang malinaw na ang pagdalisay ay natatamo lamang sa pamamagitan ng kapinuhan. Kaya, sa panahon ng mga huling araw dapat kayong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, dapat pa rin kayong maging tapat sa Diyos, at sa habag ng Diyos; tanging ito ang pag-ibig sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo. Kapag ikaw ay natukso, dapat mong sabihin: “Ang aking puso ay pag-aari ng Diyos, at nakamit na ako ng Diyos. Hindi kita mapalulugod—dapat kong italaga ang lahat sa akin sa pagpapalugod sa Diyos.” Habang lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang mas pagpapalain ng Diyos, at lalong lumalaki ang lakas ng iyong pag-ibig para sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananampalataya at paninindigan, at madadama na walang anuman ang higit na mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos. Maaaring sabihin na kailangan ng tao na ibigin ang Diyos nang walang magiging kalungkutan. Bagamat may mga pagkakataon na ang iyong laman ay mahina at ikaw ay napaliligiran ng maraming totoong mga kaligaligan, sa mga panahong ito tunay kang aasa sa Diyos, at sa loob ng iyong espiritu ikaw ay aaliwin, at makadadama ka ng katiyakan, at na magkakakaroon ka ng isang bagay na maasahan. Sa ganitong paraan, magagawa mong mapagtagumpayan ang maraming mga kapaligiran, at kaya hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa kadalamhatian na iyong dinadanas; nanaisin mong umawit, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagniig, magbigay ng saloobin sa Diyos, at madadama mo na ang lahat ng mga tao, mga usapin, at mga bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay naaangkop. Kung hindi mo iniibig ang Diyos, ang lahat ng iyong nakikita ay magiging hindi kanais-nais sa iyo, walang magiging kaaya-aya sa iyong mga mata; hindi ka magiging malaya sa iyong espiritu bagkus kapus-palad, ang iyong puso ay palaging magrereklamo tungkol sa Diyos, at palagi mong mararamdaman na ikaw ay nagbabata ng napakaraming pagdurusa, at ito ay talagang hindi makatarungan. Kung hindi ka maghahangad para sa kapakanan ng kaligayahan, ngunit upang mapalugod ang Diyos at nang hindi maakusahan ni Satanas, kung gayon ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng malaking kalakasan upang ibigin ang Diyos. Nagagawang ipatupad ng tao ang lahat ng sinalita ng Diyos, at ang lahat ng kanyang ginagawa ay nakapagpapalugod sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng pagtataglay ng realidad. Ang pag-ibig sa Diyos ay ginagamit ng paghahangad sa kaluguran ng Diyos upang isagawa ang Kanyang mga salita; hindi alintana ang panahon—kahit na ang iba ay walang lakas—sa loob mo ay mayroon pa ring isang pusong umiibig sa Diyos, na lubhang naghahangad para sa Diyos, at nasasabik sa Diyos. Ito ay totoong tayog. Kung gaano kalaki ang iyong tayog ay nakasalalay sa kung gaano kalaki ang iyong pag-ibig sa Diyos, sa kung nagagawa mong makapanindigan kapag sinusubok, kung ikaw ay mahina kapag ang isang partikular na kapaligiran ay dumating sa iyo, at kung makapaninindigan ka kapag inayawan ka ng iyong mga kapatid; ipakikita ng pagdating ng mga katotohanan kung ano ang nakakatulad ng iyong pag-ibig sa Diyos. Maaari itong makita sa maraming gawain ng Diyos na talagang iniibig ng Diyos ang tao, kaya lang ang mga mata ng espiritu ng tao ay hindi pa lubos na nabubuksan, at hindi niya nagagawang maunawaan ang maraming gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos, at ang maraming mga bagay na kaibig-ibig tungkol sa Diyos; masyadong maliit ang tunay na pag-ibig ng tao sa Diyos. Naniwala ka sa Diyos sa buong panahong ito, at sa kasalukuyan pinutol na ng Diyos ang lahat ng mga kaparaanan ng pagtakas. Sa makatotohanang pananalita, wala kang pagpipilian kundi ang tahakin ang tamang landas, ang tamang landas na pinangunahan ka sa pamamagitan ng mabagsik na paghatol at kataas-taasang pagliligtas ng Diyos. Pagkatapos lamang maranasan ang kahirapan at kapinuhan saka malalaman ng tao na ang Diyos ay kaibig-ibig. Sa pagdanas hanggang sa kasalukuyan, maaaring sabihin na ang tao ay nakarating sa pagkaalam sa bahagi ng kagandahan ng Diyos —ngunit ito ay hindi pa rin sapat, sapagkat ang tao ay masyadong kulang. Dapat niyang maranasan ang marami pang mahiwagang gawain ng Diyos, at marami pa sa lahat ng kapinuhan at pagdurusa na itinakda ng Diyos. Saka lamang magbabago ang disposisyon ng tao.
mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
281 Ang Kapaitan ay Isa sa mga Pagpapala ng Diyos
1. Huwag masiraan ng loob, huwag maging mahina, ibubunyag sa iyo ng Diyos, ibubunyag sa iyo ng Diyos. Ang daan patungo sa kaharian ay hindi ganoong kaayaaya, walang ganyang ka-simple! Nais mo na ang mga pagpapala ay dumating nang maalwan. Ngayon lahat ay magkakaroon ng mga mapapait na pagsubok na haharapin, kung hindi ang pusong nagmamahal na mayroon ka para sa Diyos ay hindi lalagong mas malakas at hindi ka magkakaroon ng tunay na pag-ibig, oh, hindi magkakaroon ng tunay na pag-ibig sa Diyos. Kahima’t maliit na mga kalagayan lamang ito, dapat dumaan ang lahat sa mga ito, ang mga ito ay magkakaiba lamang nang kaunti. Ah, ang kalagayan ay isa sa mga pagpapala ng Diyos, gaano karami, oh, gaano karami ang madalas lumuluhod sa harap ng Diyos upang humingi ng Kanyang pagpapala?
2. Lagi mong nararamdaman na kabilang sa pagpapala ng Diyos ang kaunting mga masuwerteng salita, subali’t hindi nararamdaman na ang kapaitan ay isa sa Kanyang mga pagpapala. Yaong mga nakikibahagi sa Kanyang kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Kanyang tamis. Iyan ang pangako ng Diyos at Kanyang mga pagpapala sa iyo. Kailangang isakripisyo mo ang lahat upang pangalagaan ang patotoo ng Diyos. Ito ang magiging layunin ng iyong mga pagkilos, huwag mong kalilimutan ito. Subali’t ngayon, nagkukulang ka sa pananampalataya, oh, nagkukulang sa pananampalataya at sa kakayanang pag-ibahin ang mga bagay-bagay at palagi kang walang kakayanang maunawaan ang salita ng Diyos at Kanyang mga hangarin, Magkagayunman, huwag kang mag-alala. Mag-ukol ng mas maraming panahon sa harap ng Diyos at huwag bigyang pansin ang pagkain at damit para sa katawang pisikal. Hanapin ang mga hangarin ng Diyos nang madalas, at malinaw Niyang ipapakita sa iyo kung ano ang mga iyon. Unti-unti matatagpuan mo ang Kanyang mga hangarin sa lahat ng bagay, upang magkaroon Siya ng daan para makapasok sa lahat ng tao nang walang mga hadlang. Mapapaluguran nito ang puso ng Diyos at tatanggap ka ng mga pagpapala sa Kanya magpakailan-kailanman, oh, magpakailan-kailanman!
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Karamihan sa mga tao ngayon ang naniniwala sa Diyos ngunit hindi pa nakapasok sa tamang landas. Nararamdaman pa rin nila ang lubos na kahungkagan at kawalan ng sigla, minsan nakadarama pa na parang ang kabuuan ng pamumuhay ay pagdurusa, kahungkagang lahat—nagnanais pang mamatay. Ganito ang isang tao bago magkaroon ng pananaw ang kanyang puso. Hindi pa nakamtan ng gayong tao ang katotohanan at hindi pa nakikilala ang Diyos, kaya hindi pa siya nakadarama ng kagalakan sa kanyang kalooban. Lalo na at naranasan ninyong lahat ang pag-uusig at paghihirap sa inyong pag-uwi, kayo ay nagdurusa at nag-iisip ng kamatayan at pag-aatubiling mabuhay; ito ang kahinaan ng laman. Iniisip pa ng ilang tao: Naniniwala kami sa Diyos, at dapat kaming makadama ng kagalakan sa aming loob. Sa Kapanahunan ng Biyaya nagkakaloob pa rin ang Banal na Espiritu ng kapayapaan at kagalakan sa mga tao. Ngayon mayroong napakakonting kapayapaan at kagalakan; walang kagalakan kagaya ng sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang paniniwala sa Diyos sa kasalukuyan ay lubhang nakayayamot. Ang tanging nalalaman mo ay mas mabuti ang kagalakan sa laman kaysa sa anumang bagay. Hindi mo nalalaman kung ano ang ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan. Pinahihintulutan ng Diyos na magdusa ang inyong laman upang mabago ang inyong disposisyon. Kahit na ang iyong laman ay nagdurusa, taglay mo ang salita ng Diyos at taglay mo ang pagpapala ng Diyos. Hindi ka mamamatay gustuhin mo man: Tatanggapin mo na lang ba ang hindi pagkakilala sa Diyos at hindi pagkakamit ng katotohanan? Ngayon higit sa lahat hindi pa nakakamit ng mga tao ang katotohanan, at wala pa silang taglay na buhay. Sa ngayon ang mga tao ay nasa gitna ng proseso ng paghahangad ng kaligtasan, kaya dapat silang magdusa nang kaunti sa panahong ito. Sa kasalukuyan ang bawat isa sa buong mundo ay sinubok: Ang Diyos ay nagdurusa pa rin—tama ba na hindi kayo nagdurusa? Kung walang pagpipino sa pamamagitan ng matinding pagdurusa hindi magkakaroon ng tunay na pananampalataya, at ang katotohanan at ang buhay ay hindi makakamit. Ang hindi pagkakaroon ng mga pagsubok at kapinuhan ay hindi maaaring mangyari. … Hindi ba ang pagdurusa na nararanasan ninyo ngayon ay ang mismong pagdurusa ng Diyos? Kayo ay nagdurusa kasama ng Diyos, at ang Diyos ay kasama ng mga tao sa kanilang pagdurusa, tama? Sa kasalukuyan kayong lahat ay may bahagi sa kapighatian, kaharian, at pagtitiyaga ni Cristo, at pagkatapos, sa bandang huli magkakamit kayo ng kaluwalhatian. Ang ganitong uri ng kapighatian ay makahulugan. Ang hindi pagkakaroon ng paninidigan ay hindi maaari. Dapat ninyong maunawaan ang kabuluhan ng kasalukuyang pagdurusa at kung bakit dapat kayong magdusa. Hanapin ninyo ang kaunting katotohanan mula dito at unawain ang kaunti ukol sa layunin ng Diyos, at magkakaroon kayo ng determinasyong tiisin ang pagdurusa. Kung hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos at nagninilay-nilay lamang kayo sa inyong pagdurusa, kung gayon habang lalo ninyong iniisip ang tungkol dito lalong mas magiging mahirap na pagtiisan ito—hindi magiging madali ang gayon…. Kaya, ang lahat ng mga bagay na ito ay dapat makita nang malinaw ngayon, at ang katotohanan ay dapat na maunawaan mula sa mga bagay na ito. Kapag taglay ng mga tao ang katotohanan, taglay nila ang lakas. Kapag taglay nila ang katotohanan, ang kanilang mga katawan ay puno ng hindi nasasaid na sigla. Kapag taglay nila ang katotohanan, taglay nila ang kahandaan. Kung walang katotohanan, kagaya lamang sila ng malalambot na latak ng tokwa. Dahil sa katotohanan, matatag at malakas ang loob nila, at hindi nila nadarama na ang pagdurusa nila ay pagdurusa gaano man sila magtiis. Ano ang katumbas ng ganito ninyong pagdurusa? Ang nagkatawang-taong Diyos ay nagdurusa pa rin. Kayo ay mga taong ginawang tiwali ni Satanas na may kalikasang naghihimagsik laban sa Diyos. Lahat kayo ay nakagawa ng maraming bagay na pagsuway sa Diyos nang hindi namamalayan, ng pagtutol sa Diyos. Dapat kayong hatulan at dapat kastiguhin. Hindi katatakutan ng isang taong may karamdaman ang pagdurusa kapag siya ay ginamot, kaya tama ba para sa inyo, na nagnanais na magbago ang inyong mga masamang diposisyon at magkamit ng buhay, na hindi magdusa nang kaunti? Dapat ninyong pagtiisan ang inyong mga pagdurusa; ang mga ito ay dapat na mapagtiisan. Ang mga pagdurusang ito ay hindi lamang basta sumasapit, at lalo pang hindi ipinipilit sa inyo. Ang inyong dinaranas ngayon ay hindi hihigit sa kahirapan ng madalas na paglalakbay at kaunting pagkahapo mula sa inyong gawain. Minsan nagdadalamahati ang inyong mga puso habang namamalayan mo ang iyong sariling katiwalian at pakiramdam mo hindi ka kailanman nagbago, at parang ikaw ay pinahihirapan ng iyong tiwaling kalikasan. Minsan mayroong bahagi ng salita ng Diyos na hindi mo kailanman nauunawaan, o ang salita ng Diyos ay tumatagos sa iyong puso habang binabasa mo ito, at ikaw ay namimighati at sumasailalim sa ilang pagpipino ng salita ng Diyos. O, hindi mo hinuhusayan ang iyong gawain at palaging nakagagawa ng mga mali, sinisisi ang sarili mo, nasusuklam na hindi mo mapaglabanan ito at na hindi mo magawa ang gawain. Nagdurusa ka sa lahat ng mga paraang ito. Minsan nakikita mo ang pag-unlad ng iba at nadarama na ang pag-unlad mo ay napakabagal, na tinatanggap mo ang salita ng Diyos nang napakabagal, na ang liwanag ay masyadong madalang. Nagdaranas ka nang kaunti sa ganitong mga paraan; ano pang ibang pagdurusa maliban sa ganitong mga uri? Hindi kayo pinagagawa ng anumang mabigat na gampanin, at wala kayong mga nakatataas o mga amo na nambubugbog sa inyo at lumalait sa inyo, at walang sinuman ang umaalipin sa inyo. Hindi ninyo dinaranas ang anumang gayon, tama ba? Ang mga kahirapan na inyong dinaranas ay hindi talaga kahirapan. Pag-isipan ninyo iyan sandali —hindi ba ganoon? Minsan, nanganganib kayo dahil sa kapaligiran, nababahala tuloy kayo, nawawalan ng kapahingahan, at nagdurusa nang kaunti dahil nabubuhay sa takot. Dapat ninyong maunawaan kung ano ang kahulugan ng pagtalikod sa inyong pamilya at paggugol ng inyong mga sarili para sa Diyos at kung bakit gusto ninyong gawin ang ganito. Kung ito ay upang hangarin ang katotohanan, upang hangarin ang buhay, at upang gumawa nang kaunti para tuparin ang inyong tungkulin at tumbasan ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon iyon ay ganap na matuwid, isang positibong bagay, at ito ay batas ng Langit at prinsipyo sa lupa. Kung magkagayon, hindi kayo kailanman magkakaroon ng mga pagsisisi, at magagawa ninyong hayaan ang inyong pamilya na lumisan maging anuman ang sitwasyon. Hindi ba ganoon? Kung malinaw sa iyo ang kabuluhang ito kung gayon hindi ka magkakaroon ng mga pagsisisi, at hindi ka magiging negatibo. Kung, gayunpaman, hindi ka lumalabas upang gugulin ang iyong sarili para sa Diyos, kung gayon ito ay walang kabuluhan, at dapat kang bumalik kaagad. Sa sandaling nakikita mo nang malinaw ang usapin ang iyong suliranin ay malulutas at hindi na kakailanganing mag-alala; ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos.
Ngayon kayong lahat ay sumasailalaim sa ilang mga kahirapan ng mga pagsubok. Taglay ng ilan sa inyo ang ilang katotohanan; ang ilan ay walang anumang taglay. Tinatanggap ito ng ilan sa ganitong paraan; ang iba ay tinatanggap ito sa gayong paraan. Paano mo man ito tinatanggap, hangga’t mayroong katotohanan sa loob mo at tinatanggap mo ito sa wastong paraan, at iyong pagdurusa ay magkakaroon ng kabuluhan at halaga, magkakaroon ka ng determinasyon, at makararating ka hanggang sa wakas. Kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan nagkus mga paniwala at mga guni-guni lamang ng tao, kung gayon ang iyong pagdurusa ay walang halaga sapagkat hindi mo nakamit ang katotohanan.
mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at para makamit pa nang higit ang katotohanan ay dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itatwa ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pampamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong habulin ang lahat nang mainam at mabuti, at dapat habulin ang isang landas ng buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka nang gayong mahalay na buhay, at hindi maghahabol ng anumang mga layunin, hindi ba sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa gayong pamumuhay? Dapat mong itakwil ang lahat nang mga kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan o dangal; walang kahulugan sa kanilang pag-iral!
mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa laman. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang laman bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit mong pagbibigay kasiyahan sa iyong laman, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay iyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo mong gugustuhin ang laman. Ang laman ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay iyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa iyong sariling mga kahinaan at katamaran.… Ang lalo mong pagbibibigay kasiyahan sa laman, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang laman, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang lamanay magkimkim ng mas malalim na mga paniniwala, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawa ng Diyos. … Nasabi na noon ay may isang magsasakang nakakita ng ahas sa kalsada na matigas na matigas. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa ng dibdib, at matapos na mabuhay ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang mamatay. Ang laman ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay upang makapinsala sa kanilang buhay—at kapag ganap na nitong makuha ang gusto, naiwala mo ang iyong buhay. Ang laman ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay mga napakaluhong pagnanais, iniisip lamang nito ang kanyang sarili, nais nitong magtamasa ng kaginhawaan, at magsaya sa paglilibang, magumon sa kakuparan at katamaran, at matapos itong mapasaya sa isang tiyak na yugto, kakainin kayo nito sa bandang huli. Na ang ibig sabihin, kung iyo itong pasasayahin sa oras na ito, sa susunod ito ay hihingi pa nang mas marami. Ito ay laging may mga napakaluhong pagnanais at mga bagong hiling, at nagsasamantala sa iyong pagkabuyo sa laman at mas lalo mong pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito madadaig, sa bandang huli maiwawala mo ang inyong sarili. Kung ikaw ay magkakamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang iyong magiging sukdulang pagtatapos, ay nakasalalay sa kung paano mo isasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at pinili at ikaw ay itinalaga, ngunit kung ngayon ikaw ay walang kagustuhang pasayahin Siya, ikaw ay walang kagustuhang isabuhay ang katotohanan, ikaw ay walang nais na maghimagsik laban sa iyong laman na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli iyong ipapahamak ang iyong sarili, at kaya ikaw ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kang nagpapabuyo sa laman, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na ikaw ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag ikaw ay namumuhay sa kadiliman, ikaw ay bihag ni Satanas, ikaw ay mawawalan na ng Diyos, at sa panahong iyon iyong pabubulaanan na kilala mo ang Diyos at iiwanan Siya.
mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumupusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawa’t hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pakikipagtawaran ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan.
mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagunahing ipinag-utos ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay sa kalooban ng mga ito, upang harapin ang kanilang mga kaisipan, at kanilang mga paniwala na hindi laan para sa puso ng Diyos. Ginagabayan ng Banal na Espiritu ang kalooban ng mga tao, at ipinapatupad ang Kanyang mga gawa sa kalooban ng mga ito, at sa likod ng lahat ng mga bagay na nangyayari sa labanan: Sa bawat oras na isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig ng Diyos, mayroong isang malaking labanan, at kahit na ang lahat ay mukhang maayos sa kanilang laman, sa kailaliman ng kanilang mga puso, may isang buhay-at-kamatayan na digmaan na, sa katunayan, magpapatuloy—at sa pagtatapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang laganap na pagmuni-muni, maaaring pagpasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi niya alam kung tatawa o hihikbi. Dahil maraming mali sa motibasyon sa kalooban ng mga tao, o kaya’y dahil karamihan sa gawa ng Diyos ang tuligsa sa kanilang sariling paniniwala, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan isang malaking labanan ang ginaganap sa likod ng mga eksena. Ang pagsasagawa ng katotohanang ito, sa likod ng mga eksena ang walang humpay na luha ng dalamhati ng mga tao, ang papatak bago tuluyang mapagpasyahan ng kanilang isipan na bigyang kasiyahan ang Diyos. Ito ay dahil sa labanang iyon na nagtitiis ang tao sa paghihirap at pagpipino; ito ang totoong pagdurusa. Kapag ang labanan ay napasaiyo, kung ikaw ay tunay na papanig sa tabi ng Diyos, magagawang mong bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Ang pagdurusa sa kurso ng pagsasagawa ng katotohanan ay hindi maiiwasan; kung, kapag kanilang isinagawa ang katotohanan, ang lahat ng nasa kalooban nila ay tama, at hindi na sila kailangan pang gawing perpekto ng Diyos, at hindi magkakaroon ng labanan, at hindi sila magdurusa. Ito ay dahil sa maraming mga bagay sa kalooban ng tao ang hindi akmang gamitin ng Diyos, at karamihan ay mga lumalabang disposisyon ng laman, na kailangang matutunan ng tao ang leksiyon ng paglaban sa laman nang mas malalim. Ito ang tinatawag ng Diyos na paghihirap na Kanyang hiningi sa tao na ialay sa Kanya.
mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Upang makita kung taglay mo ang pagpapatibay ng Diyos ay pangunahing tinitingnan ang mga bagay kagaya ng kung taglay mo ang Banal na Espiritu na gumagawa sa iyo, kung nililiwanagan at ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, at kung ikaw ay sinasamahan ng ilang biyaya. Nang unang ginampanan ng ilang mga tao ang kanilang tungkulin, sila ay punong-puno ng enerhiya, na parang hindi sila mauubusan. Ngunit paanong nangyari na habang sila ay nagpapatuloy tila nawawala nila ang enerhiya na iyon? Ang kanilang pagkatao noon at ang kanilang pagkatao ngayon ay kagaya ng dalawang magkaibang mga tao. Bakit sila nagbago? Ano ang dahilan? Ito ay dahil sa ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay napunta sa maling daan bago ito nakarating sa tamang landas. Pinili nila ang maling landas. Mayroong ilang bagay na nakatago sa kanilang paunang paghahangad, at sa isang mahalagang sandali ang bagay na iyon ay lumitaw. Ano ang nakatago? Isa itong pag-asam na nakalagak sa loob ng kanilang mga puso habang sila ay naniniwala sa Diyos, ang pag-asam na ang araw ng Diyos ay malapit nang dumating upang ang kanilang kapighatian ay magwakas na; ang pag-asam na magbabagong-anyo ang Diyos at na ang lahat ng kanilang pagdurusa ay magwawakas na. Nag-aantabay silang lahat sa araw kung kailan makauuwi na sila upang muling makasama ang kanilang mga sambahayan, kung kailan wala ng pag-uusig pa, kung kailan sila ay malaya nang ganap, kung kailan maaari silang hayagang maniwala sa Diyos nang walang anumang paghihigpit ng iba, at ang bawat isa ay maaaring mabuhay sa isang kaaya-ayang kapaligiran kung saan maaari silang magbihis nang maayos at kumain nang husto. Hindi ba nila lahat taglay ang pag-asang ito? Ang mga saloobing ito ay umiiral sa kaibuturan ng lahat ng kanilang mga puso sapagkat ang laman ng tao ay hindi nakahandang magdusa at inaasam ang mas mabuting kalagayan sa bawat pagkakataong nagdadaan sa pagdurusa. Ang mga bagay na ito ay hindi mabubunyag kung wala ang wastong[a] mga kalagayan. Kapag walang sitwasyon, ang bawat isa ay magmimistulang talagang maayos, lilitaw na talagang taglay ang tayog, nauunawaan nang husto ang katotohanan, at parang puno ng enerhiya talaga. Isang araw, kapag bumabangon isang sitwasyon, ang lahat ng mga isipang ito ay lalabas. Ang kanilang isip ay magsisimulang maguluhan, at ang ilan ay magsisimulang dumausdos. Hindi sa ang Diyos ay hindi nagbubukas ng isang daang palabas para sa iyo, o na hindi ibinibigay sa iyo ng Diyos ang Kanyang biyaya, at tiyak na hindi sa ang Diyos ay walang pagsasaalang-alang sa iyong mga kahirapan. Ang gayong pagbabata sa kapighatiang ito ngayon ay ang iyong pagpapala, sapagkat dapat mong matagalan ang gayong pagdurusa upang maligtas at mamalagi, at ito ay itinalaga. Kaya para sumapit sa iyo ang pagdurusang ito ay pagpapala sa iyo. … ang kahulugan sa likod nito ay napakalalim, lubos na makabuluhan.
mula sa “Yaong mga Nawala ang Gawain ng Banal na Espiritu ang Pinakananganganib” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Dapat kayong maging maingat palagi. Bagamat nabubuhay kayo sa isang maruming lugar kayo ay walang bahid ng karumihan at maaaring mabuhay katabi ng Diyos, tinatanggap ang Kanyang dakilang pag-iingat. Kayo ay pinili sa gitna ng lahat sa dilaw na bayang ito. Hindi ba kayo ang mga taong lubhang pinagpala? Bilang isang nilalang, mangyari pang dapat ninyong sambahin ang Diyos at maghangad ng isang makahulugang buhay. Kung hindi ninyo sasambahin ang Diyos at mabubuhay sa maruming laman, kung gayon hindi ba kayo isang hayop lamang na nakadamit pantao? Bilang isang tao, dapat kang gumugol para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa. Dapat mong tanggapin nang may kagalakan at may katiyakan ang maliit na pagdurusa na iyong pinagdadaanan sa kasalukuyan at isabuhay ang isang makahulugang buhay, kagaya ni Job, kagaya ni Pedro. Sa mundong ito isinusuot ng tao ang pananamit ni Satanas, kinakain ang pagkain na ibinigay ni Satanas, at gumagawa at naglilingkod sa ilalim ng hinlalaki ng diablo, niyurakan sa karumihan nito. Kung hindi mo uunawain ang kahulugan ng buhay o ang tunay na daan, kung gayon ano ang saysay ng iyong buhay? Kayo ay mga tao na naghahangad ng tamang landas, yaong mga naghahangad ng pagsulong. Kayo’y mga tao na naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?
mula sa “Pagsasagawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
(Piniling Talata ng Salita ng Diyos)
Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?
Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad.Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: "Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian." Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupa kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lupang ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng yugto ng Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahulugan ng lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at yaong mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Judas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at doon nagkakamit yaong mga ninanais Niyang magkamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.
Sa plano ng Diyos ng ilang libong taon, ang mga gawa na naganap sa katawang-tao ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang una ay ang gawaing pagpapapako sa krus, na kung saan Siya ay niluwalhati; ang pangalawa ay ang gawain ng panlulupig at pagka-perpekto sa mga huling araw, na sa pamamagitan nito Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian. Ito ang pamamahala ng Diyos. Kaya, huwag ipagpalagay na napaka-payak ng gawa ng Diyos o ang komisyon ng Diyos sa inyo. Lahat kayo ay mga tagapagmana ng sobra-sobra at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito ay espesyal na itinalaga ng Diyos. Sa dalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, ang isa ay ibinunyag sa inyo; ang kabuuan ng isang bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos ay ipinagkaloob sa inyo nang sa gayon ay maging inyong pamana. Ito ang pagpaparangal mula sa Diyos at ang Kanyang mga plano ay nahayag matagal nang nakalipas. Dahil sa kadakilaan ng gawain na ginawa ng Diyos sa lupain kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan, ang ganoong gawain, kapag inilipat sa ibang lugar, ay matagal nang nagbunga ng maraming bunga at madali nang natanggap ng tao. At ang mga ganoong gawain ay napakadaling matatanggap ng mga kleriko sa Kanluran na naniniwala sa Diyos, dahil ang yugto ng gawa ni Jesus ay nagsisilbing halimbawa. Ito ang dahilan kung bakit hindi Niya matamo ang yugto ng gawain para sa pagluluwalhati saan mang dako; iyan ay, kapag may tulong na nanggagaling mula sa lahat ng tao at pagkilala mula sa lahat ng bansa, walang dako para ang kaluwalhatian ng Diyos ay mamahinga. At ito'y ang tiyak na hindi pangkaraniwang kahalagahan ng yugtong ito ng gawain na nananatili sa lupaing ito. Sa inyo, wala ni isang tao ang nakatatanggap ng pag-iingat ng batas; sa halip, kayo ay naparusahan ng batas, at ang mas mahirap ay walang taong nakauunawa sa inyo, maging ang inyong mga kamag-anak, inyong mga magulang, inyong mga kaibigan, o mga kasamahan. Walang nakauunawa sa inyo. Kapag kayo ay tinanggihan ng Diyos, walang dahilan para ikaw ay magpatuloy na mabuhay sa mundo. Gayunpaman, higit dito, hindi kayang iwan ng mga tao ang Diyos; ito ang kahalagahan ng paglupig ng Diyos sa mga tao, at ito ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang inyong namana sa araw na ito ay nalalampasan kung ano ang mayroon sa mga dating apostol at propeta at higit pa sa kung ano ang kay Moises at Pedro. Ang mga pagpapala ay hindi natatanggap sa loob lamang ng isa o dalawang araw; ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng lubos na pagpapakasakit. Iyon ay, kinakailangan ninyong magkaroon ng dalisay na pag-ibig, malaking pananampalataya, at maraming katotohanan na hiningi ng Diyos na inyong matamo, at saka, kinakailangang magawa ninyong humarap sa katarungan. at hindi kailanman maduduwag o magpapasakop, at kinakailangan mong magkaroon ng tuloy-tuloy at walang humpay na pag-ibig sa Diyos. Ang pagpapasiya ay hinihingi mula sa inyo, gayundin ang pagbabago sa disposisyon ng inyong buhay, ang inyong katiwalian ay nararapat malutas, at nararapat ninyong tanggapin ang pagsasaayos ng Diyos nang walang daing, at maging masunurin hanggang sa kamatayan. Ito ang kailangan ninyong makamit. Ito ang pangwakas na layunin ng Diyos, at ang mga pangangailangan na hinihingi ng Diyos sa kalipunang ito ng mga tao. Habang Siya ay nagkakaloob sa inyo, gayundin naman Siya ay kailangan humingi sa inyo ng kapalit at gawan kayo ng angkop na mga kahilingan. Samakatwid, ang lahat ng gawa ng Diyos ay may dahilan, at mula dito ay maaaring makita kung bakit ang Diyos ay muli't muli ay gumagawa ng gawaing mayroong mataas na pamantayan at mahigpit na pangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ninyong mapuno ng pananampalataya sa Diyos. Sa madaling salita, ang lahat ng gawa ng Diyos ay para sa inyong kapakanan, nang sa gayon kayo ay maging karapat-dapat na tumanggap ng Kanyang pamana. Hindi ito ganoon kalaki para sa sariling kaluwalhatian ng Diyos ngunit para sa inyong kaligtasan at sa pagperpekto sa grupo ng mga taong ito tao malalim na napighati sa maruming lupain. Dapat ninyong maintindihan ang kalooban ng Diyos. Kaya hinihimok Ko ang mga taong mangmang na walang kaalaman o katinuan: Huwag ninyong subukin ang Diyos at huwag nang lumaban. Tiniis na ng Diyos ang lahat ng pagdurusa na hindi naranasan ng tao, at dati nang nagdusa ng mas matinding kahihiyan para sa kalagayan ng tao. Ano pa ang hindi ninyo kayang pakawalan? Ano pa ang mas mahalaga kaysa sa kalooban ng Diyos? Ano pa ang mas nakatataas sa pag-ibig ng Diyos? Ito ay isang gawain na lubhang napakahirap na para sa Diyos para isagawa ang Kanyang gawain sa maruming lupaing ito. Kung ang tao ay buong-kaalaman at kusang-loob na sumusuway, ang gawa ng Diyos ay lalong magtatagal. Sa paanuman, hindi ito para sa kapakanan ninuman, at walang kapakinabangan para kaninuman. Hindi napipigil ng panahon ang Diyos; ang Kanyang gawa at Kanyang kaluwalhatian ang nauuna. Samakatwid, gaano man katagal, hindi Siya maglalaan ng anumang pagpapakasakit kung ito ay Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos: Hindi Siya magpapahinga hanggang maisakatuparan ang Kanyang gawain. Kapag dumating lamang ang panahon na makukuha Niya ang pangalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian saka lamang matitigil ang Kanyang gawain. Kung hindi matapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa buong sansinukob ang gawa ng ikalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, ang Kanyang araw ay hindi kailanman darating, ang Kanyang kamay ay hindi kailanman mawawala sa Kanyang napili, ang Kanyang kaluwalhatian ay hindi kailanman darating sa Israel, at ang Kanyang mga plano ay hindi kailanman matatapos. Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi kasing payak katulad ng paglikha sa langit at lupa at sa lahat ng mga bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga ginawang tiwali na naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha saka ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, lalo na upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng uri ng mga halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng ginawang tiwali ni Satanas upang sila ay Kanyang mabawi at maging Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi kasing payak tulad nang inaakala ng tao, ang paglikha ng langit at ng mundo at ng lahat ng bagay na mangyayari, at hindi rin ito katulad ng gawaing pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang-hanggan tulad ng inaakala ng tao. Sa halip, ito ay upang mabago ang tao, upang baguhin ang siyang negatibo sa positibo at upang makamit ang Kanyang pag-aari na hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi maaaring makamit ng gayon. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang gawain nang may matinding kalakhan, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Mula sa mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay napakapayak?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Nilalaktawan ng orihinal na teksto ang “tama.”
0 Mga Komento