Ang gawain ng Diyos sa gitna ng mga tao ay hindi maihihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Diyos. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang mga gawain ay hindi maihihiwalay mula sa Diyos, at lahat ay pinipigilan ng mga kamay ng Diyos, at maaari pang masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring magkaila nito, dahil ito ay isang katunayan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakinabangan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakánâ ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi kayang humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit pa rito, ay hindi nagkaroon kailanman ng hangaring humiwalay sa tao. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, at ang mga iniisip Niya ay laging mabuti. Para sa tao, kung gayon, ang gawain ng Diyos at ang mga iniisip ng Diyos (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) ay kapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao. Ang gayong mga pangitain ay ang pamamahala rin ng Diyos, at gawain na hindi kayang magawa ng tao. Ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao sa panahon ng gawain Niya, samantala, ay tinatawag na “pagsasagawa” ng tao. Ang mga pangitain ay ang gawain ng Diyos Mismo, o ang kalooban Niya para sa sangkatauhan o ang mga layunin at kahalagahan ng gawain Niya. Ang mga pangitain ay maaari ding sabihin na bahagi ng pamamahala, dahil ang pamamahalang ito ay ang gawain ng Diyos, at ito ay nakatuon sa tao, na nangangahulugang ito ang gawain na ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao. Ang gawaing ito ay ang patunay at ang daan kung saan sa pamamagitan nito ay nakikilala ng tao ang Diyos, at ito ay mahalagang-mahalaga para sa tao. Kung, sa halip na magbigay-pansin sa kaalaman sa gawain ng Diyos, nagbibigay-pansin lamang ang mga tao sa mga aral ng paniniwala sa Diyos, o sa mga mabababaw at hindi-makabuluhang mga detalye, kung gayon, hindi talaga nila makikilala ang Diyos, at, higit pa rito, sila’y hindi makasusunod sa puso ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay lubhang makatutulong sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at ito ay tinatawag na mga pangitain. Ang mga pangitaing ito ay ang gawain ng Diyos, ang kalooban ng Diyos, at ang mga layunin at kahalagahan ng gawain ng Diyos; ang lahat ng mga iyon ay para sa kapakanan ng tao. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa kung ano ang dapat magawa ng tao, yaong dapat na magawa ng mga nilalang na sumusunod sa Diyos. Ito ay tungkulin din ng tao. Kung ano ang dapat na gawin ng tao ay hindi isang bagay na naunawaan ng tao mula sa kasimu-simulaan, kundi mga kinakailangan ng Diyos sa tao sa panahon ng gawain Niya. Ang mga kinakailangang ito ay unti-unting nagiging mas malalim at mas mataas habang gumagawa ang Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, kinailangang sundin ng tao ang batas, at sa Kapanahunan ng Biyaya, kinailangang pasanin ng tao ang krus. Iba ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang mga kinakailangan sa tao ay mas matataas kaysa sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Habang ang mga pangitain ay nagiging mas mataas, ang mga kinakailangan sa tao ay lalo pang nagiging mas mataas, at lalo pang nagiging mas malinaw at mas makatotohanan. Gayon din, ang mga pangitain ay mas nagiging makatotohanan. Ang maraming totoong pangitaing ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa pagsunod ng tao sa Diyos, nguni’t, higit dito, ay kapaki-pakinabang sa kanyang pagkakilala sa Diyos.
Kung ihahambing sa mga nakalipas na kapanahunan, ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay mas praktikal, mas nakatuon sa diwa ng tao at sa mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at mas nakapagpapatotoo sa Diyos Mismo para sa lahat ng mga sumusunod sa Kanya. Sa madaling salita, sa Kapanahunan ng Kaharian, habang Siya ay gumagawa, mas ipinamamalas ng Diyos ang Sarili Niya sa tao kaysa sa ibang panahon sa nakalipas, nangangahulugan na ang mga pangitain na nararapat malaman ng tao ay mas mataas kaysa sa anumang nakalipas na kapanahunan. Dahil ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay nakapasok sa panibagong larangan sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga pangitain na nalalaman ng tao sa Kapanahunan ng Kaharian ay ang pinakamataas sa lahat ng mga gawaing pamamahala. Ang gawain ng Diyos ay nakapasok sa panibagong larangan sa kauna-unahang pagkakataon, kaya’t ang mga pangitain na malalaman ng tao ay nagiging ang pinakamataas sa lahat ng mga pangitain, at ang naibubungang pagsasagawa ng tao ay mas mataas din kaysa sa anumang nakalipas na kapanahunan, dahil ang pagsasagawa ng tao ay nagbabago kasabay ng pagbabago sa mga pangitain, at ang kasakdalan ng mga pangitain ay nagiging tanda rin ng kasakdalan ng mga kinakailangan sa tao. Sa sandaling ang lahat ng pamamahala ng Diyos ay huminto, gayundin, hihinto ang pagsasagawa ng tao, at kung wala ang gawain ng Diyos, walang magagawa ang tao kundi ang manatili sa mga katuruang nakalipas, kung hindi ay wala na silang mababalingan. Kung walang mga bagong pangitain, walang magiging bagong pagsasagawa ang tao; kung walang ganap na mga pangitain, walang magiging perpektong pagsasagawa ang tao; kung walang mas mataas na mga pangitain, walang magiging mas mataas na pagsasagawa ang tao. Ang pagsasagawa ng tao ay nagbabago ayon sa mga hakbang ng Diyos, at, gayundin, ang kaalaman at karanasan ng tao ay nagbabago rin ayon sa gawain ng Diyos. Kahit gaano kahusay ang tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa Diyos, at kung hihinto sa paggawa ang Diyos kahit sa isang saglit, mabilis na mamamatay ang tao mula sa Kanyang galit. Walang maipagyayabang ang tao, dahil gaano man kataas ang kaalaman ng tao ngayon, kahit gaano kalalim ang kanyang mga karanasan, hindi siya maihihiwalay mula sa gawain ng Diyos—dahil ang pagsasagawa ng tao, at yaong dapat niyang hanapin sa kanyang paniniwala sa Diyos, ay hindi maihihiwalay mula sa mga pangitain. Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos. Kahit gaano kasagana ang mga kaloob sa tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa gawain at sa patnubay ng Diyos. Kahit gaano kabuti o karami ang mga pagkilos ng tao, hindi pa rin mapapalitan ng mga ito ang gawain ng Diyos. Kaya, hindi maihihiwalay ang pagsasagawa ng tao mula sa mga pangitain kahit ano pa man ang mga kalagayan. Ang mga hindi tumatanggap sa mga bagong pangitain ay walang bagong pagsasagawa. Ang kanilang pagsasagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan dahil sila ay sumusunod sa mga doktrina at nananatili sa walang-buhay na batas; wala silang mga bagong pangitain kahit kailan, at bilang kinalabasan, wala silang isinasagawa sa bagong kapanahunan. Naiwala nila ang mga pangitain, at dahil dito, naiwala rin nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at naiwala ang katotohanan. Yaong mga walang katotohanan ay ang mga anak ng kahangalan, at sila ang pagsasakatawan ni Satanas. Kahit na anong uri ang isang tao, hindi maaaring wala silang pangitain sa gawain ng Diyos, at hindi sila maaaring mawalan ng presensiya ng Banal na Espiritu; sa sandaling maiwala ng isa ang mga pangitain, sila ay kaagad bubulusok sa Hades at mamumuhay sa gitna ng kadiliman. Ang mga taong walang pangitain ay yaong mga sumusunod sa Diyos nang may kahangalan, sila yaong mga salat sa gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay namumuhay sa impiyerno. Ang ganoong mga tao ay hindi naghahabol ng katotohanan, at ibinibitin ang pangalan ng Diyos na tila isang karatula. Yaong mga hindi nakakaalam ng gawain ng Banal na Espiritu, na hindi nakakakilala sa Diyos na nagkatawang-tao, na hindi nakakaalam sa tatlong yugto ng gawain sa kabuuan ng pamamahala ng Diyos—hindi nila alam ang mga pangitain, kaya’t sila ay walang katotohanan. Hindi ba’t yaong mga walang angking katotohanan ay mga tagagawa lahat ng kasamaan? Yaong mga handang magsagawa ng katotohanan, na handang hanapin ang pagkakilala sa Diyos, at mga tunay na nakikipagtulungan sa Diyos ay mga taong ginagamit ang mga pangitain bilang saligan. Sila ay sinang-ayunan ng Diyos dahil sila ay nakikipagtulungan sa Diyos, at ang pakikipagtulungang ito ang dapat isagawa ng tao.
Naglalaman ang mga pangitain ng mga landas sa pagsasagawa. Ang mga praktikal na hinihingi sa tao ay nilalaman din ng mga pangitain, gayundin ang gawain ng Diyos na kailangang malaman ng tao. Sa nakalipas, sa panahon ng mga natatanging pagtitipon o maringal na mga pagtitipon na ginaganap sa iba’t-ibang lugar, isang tanging aspeto ng landas ng pagsasagawa ang pinag-usapan. Ang ganoong pagsasagawa ay yaong dapat isagawa sa Kapanahunan ng Biyaya, at bahagyang nagtataglay ng anumang kaugnayan sa kaalaman tungkol sa Diyos, dahil ang pangitain ng Kapanahunan ng Biyaya ay ang pangitain lamang ng pagkakapako sa krus ni Jesus, at walang mga pangitain na higit pa rito. Wala nang dapat malaman ang tao maliban sa gawain ng Kanyang pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus, kaya’t sa Kapanahunan ng Biyaya wala ng ibang mga pangitain na kailangang malaman ang tao. Sa ganitong paraan, ang tao ay mayroon lamang katiting na kaalaman tungkol sa Diyos, at bukod sa kaalaman tungkol sa pag-ibig at awa ni Jesus, mayroon lamang ilang payak at kahabag-habag na mga bagay para sa kanya upang isagawa, mga bagay na napakalayo mula sa ngayon. Sa nakalipas, anuman ang anyo ng kanyang pagtitipon, walang kakayahan ang tao na mangusap ng praktikal na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, lalong hindi masabi ng sinuman nang malinaw kung alin ang pinaka-angkop na landas ng pagsasagawa para pasukin ng tao. Nagdagdag lamang Siya ng ilang payak na detalye sa saligan ng pagtitimpi at pagtitiis; wala talagang pagbabago sa diwa ng kanyang pagsasagawa, dahil sa parehong kapanahunan hindi gumawa ang Diyos ng anumang mas bagong gawain, at ang tanging kinailangan Niya sa tao ay ang pagtitimpi at pagtitiis, o pagpasan ng krus. Maliban sa gayong mga pagsasagawa, walang mas mataas na mga pangitain kaysa sa pagkakapako sa krus ni Jesus. Sa nakalipas, walang binanggit na ibang mga pangitain dahil hindi gumawa ng maraming gawain ang Diyos, at dahil may hangganan lamang ang Kanyang mga hiningi sa tao. Sa paraang ito, kahit ano pa man ang ginawa ng tao, hindi niya nakayang labanan ang mga hangganang ito, mga hangganang kakaunti lamang na payak at mababaw na mga bagay na dapat isagawa ng tao. Ngayon ay aking sinasalita ang ibang mga pangitain dahil ngayon, mas maraming gawain ang nagawa, gawaing maraming ulit na nakakahigit sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Ang mga kinakailangan sa tao, ay maraming ulit na mas mataas rin kaysa sa mga nakalipas na kapanahunan. Kung walang kakayahan ang tao na lubusang malaman ang gawaing iyon, kung gayon hindi ito magtataglay ng malaking kabuluhan; maaaring sabihin na mahihirapan ang tao na lubos na malaman ang ganoong gawain kung hindi niya ilalaan ang buong buhay na pagsisikap para dito. Sa gawain ng panlulupig, kung ang pag-uusapan lamang ay ang landas ng pagsasagawa, hindi mangyayari ang paglupig sa tao. Hindi rin mangyayari ang paglupig sa tao sa pagsasalita lamang tungkol sa mga pangitain, na walang anumang mga kinakailangan sa tao. Kung ang landas ng pagsasagawa lamang ang napag-uusapan, magiging imposible ang patamaan ang pinakamahinang bahagi ng tao, o ang iwaksi ang mga pagkaintindi ng tao, at magiging imposible rin na lubusang lupigin ang tao. Ang mga pangitain ang pangunahing kagamitan sa paglupig sa tao, nguni’t kung walang landas bukod sa mga pangitain, kung gayon ay walang magiging daan upang makasunod ang tao, at lalong wala siyang anumang magiging paraan ng pagpasok. Ito na ang naging panuntunan ng gawain ng Diyos mula sa simula hanggang sa katapusan: Sa mga pangitain ay mayroong maaaring maisagawa, at mayroon din naman na mga pangitaing bukod-tangi para sa ganoong pagsasagawa. Ang antas ng mga pagbabago sa buhay ng tao at sa kanyang disposisyon ay kasama sa mga pagbabago sa mga pangitain. Kung aasa lamang ang tao sa sarili niyang mga pagsisikap, kung gayon ay hindi mangyayari para sa kanya na makatamo ng kahit na anong malaking antas ng pagbabago. Ang mga pangitain ay tumutukoy sa gawain ng Diyos Mismo at sa pamamahala ng Diyos. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa landas ng pagsasagawa ng tao, at sa daan ng pag-iral ng tao; sa buong pamamahala ng Diyos, ang kaugnayan sa pag-itan ng mga pangitain at pagsasagawa ay ang kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao. Kapag inalis ang mga pangitain, o kung ang mga ito ay sinasalita nang wala ang pagsasalita tungkol sa pagsasagawa, o kung mayroon lamang mga pangitain at wala ang pagsasagawa, kung gayon ang gayong mga bagay ay hindi maibibilang na pamamahala ng Diyos, lalong hindi masasabi na ang gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan; sa paraang ito, hindi lamang maaalis ang tungkulin ng tao, nguni’t ito ay magiging pagtanggi sa layunin ng gawain ng Diyos. Kung, mula sa simula hanggang sa katapusan, ay kinailangan lamang sa tao na magsagawa, nang walang nakapaloob na gawain ng Diyos, at, higit pa rito, kung hindi kinailangan sa tao na alamin ang gawain ng Diyos, ay lalong hindi matatawag ang gayong gawain na pamamahala ng Diyos. Kung hindi nakilala ng tao ang Diyos, at walang nalalaman sa kalooban ng Diyos, at bulag na nagsasagawa sa kanyang malabo at walang-anyong paraan, kung gayon hindi siya kailanman magiging lubos na katanggap-tanggap na nilalang. Kaya, ang dalawang bagay na ito ay parehong di-maaaring mawala. Kung ang mayroon lamang ay ang gawain ng Diyos, sa ibang salita, kung ang mayroon lamang ay ang mga pangitain at wala ang pakikipagtulungan o pagsasagawa ng tao, ang gayong mga bagay ay hindi matatawag na pamamahala ng Diyos. Kung ang mayroon lamang ay ang pagsasagawa at pagpasok ng tao, kahit na gaano pa kataas ang landas na pinasukan ng tao, ito rin ay hindi magiging katanggap-tanggap. Ang pagpasok ng tao ay kailangang unti-unting magbago kasabay ng gawain at mga pangitain; hindi ito maaaring mabago kung kailan gusto. Ang panuntunan ng pagsasagawa ng tao ay hindi malaya at hindi napipigilan, nguni’t ito ay may hangganan. Ang mga ganoong panuntunan ay nagbabago ayon sa mga pangitain ng gawain. Kaya ang pamamahala ng Diyos sa kahuli-hulihan ay humahantong sa gawain ng Diyos at pagsasagawa ng tao.
Ang gawaing pamamahala ay umiral lamang dahil sa sangkatauhan, na nangangahulugang naibunga lamang ito ng pag-iral ng sangkatauhan. Walang pamamahala bago ang sangkatauhan, o sa pasimula, nang ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay ay nilikha. Kung, sa buong gawain ng Diyos, ay walang pagsasagawa na kapaki-pakinabang sa tao, na ang ibig sabihin, kung ang Diyos ay hindi gumawa ng mga angkop na mga kinakailangan sa masamang sangkatauhan (kung, sa gawaing ginawa ng Diyos, ay walang angkop na landas para sa pagsasagawa ng tao), kung gayon ang gawaing ito ay hindi matatawag na pamamahala ng Diyos. Kung ang kabuuan ng gawain ng Diyos ay kinapapalooban lamang ng pagsasabi sa masamang sangkatauhan kung paano nila gagampanan ang kanilang pagsasagawa, at hindi isinakatuparan ng Diyos ang alinman sa Kanyang sariling sapalarang-gawain, at hindi nagpamalas ng kahit katiting ng Kanyang walang-hanggang kapangyarihan o karunungan, kung gayon gaano man kataas ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao, gaano man katagal namuhay ang Diyos kasama ng mga tao, walang malalaman ang tao tungkol sa disposisyon ng Diyos; kung ito ang kalagayan, ang ganitong uri ng gawain ay mas lalong hindi karapat-dapat na tawaging pamamahala ng Diyos. Sa madaling salita, ang gawain ng pamamahala ng Diyos ay gawaing ginagawa ng Diyos, at ang lahat ng gawain na isinasakatuparan niyaong mga nakamit ng Diyos sa ilalim ng Kanyang paggabay. Ang ganoong gawain ay maaaring buuin bilang pamamahala, at tumutukoy sa gawain ng Diyos sa mga tao, gayundin ang pakikipagtulungan sa Kanya ng lahat ng mga tagasunod Niya; ang lahat ng ito ay maaaring tawagin nang buo na pamamahala. Dito, ang gawain ng Diyos ay tinatawag na mga pangitain, at ang pakikipagtulungan ng tao ay tinatawag na pagsasagawa. Habang tumataas ang gawain ng Diyos (iyon ay, kung gaano kataas ang mga pangitain), mas nagagawang malinaw sa tao ang disposisyon ng Diyos, at mas kasalungat ito ng mga pagkaintindi ng mga tao, at mas mataas ang pagsasagawa at pakikipagtulungan ng tao. Habang tumataas ang mga hinihingi sa tao, mas nagiging kasalungat ng mga pagkaintindi ng tao ang gawain ng Diyos, at bilang bunga nito ang mga pagsubok sa tao, at ang mga pamantayang hinihingi sa kanya na maabot, ay tumataas din. Sa pagtatapos ng gawaing ito, ang lahat ng mga pangitain ay naging ganap na, at yaong kinakailangan na isagawa ng tao ay narating na ang rurok ng kasakdalan. Ito rin ang magiging panahon kung kailan ang lahat ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri, sapagka’t yaong dapat malaman ng tao ay naipakita na sa tao. Kaya’t kapag naabot ng mga pangitain ang kasukdulan, ang gawain ay malapit na ring matapos, at naabot na rin ng pagsasagawa ng tao ang tugatog nito. Ang pagsasagawa ng tao ay batay sa gawain ng Diyos, at ang pamamahala ng Diyos ay lubos na naihahayag lamang dahil sa pagsasagawa at pakikipagtulungan ng tao. Ang tao ang pantawag-pansin ng gawain ng Diyos, at ang layon ng gawain ng lahat ng pamamahala ng Diyos, at ang bunga rin ng buong pamamahala ng Diyos. Kung mag-isang gumawa ang Diyos, at wala ang pakikipagtulungan ng tao, kung gayon walang magsisilbing pagbubuu-buo ng Kanyang buong gawain, at sa paraang ito walang magiging kabuluhan sa pamamahala ng Diyos ni katiting man. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagpili ng angkop na pag-uukulan na nasa labas ng gawain ng Diyos, at na maaaring magpahayag ng gawaing ito, at magpatunay sa walang-hanggang kapangyarihan at karunungan nito, maaaring makamit ang layunin ng pamamahala ng Diyos, at makamit ang layunin ng paggamit ng lahat ng gawaing ito upang talunin si Satanas. Kaya’t ang tao ay isang bahagi na hindi maaaring mawala sa gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang tao lamang ang makakagawa sa pamamahala ng Diyos na magbunga at makamit ang sukdulan nitong layunin; Bukod sa tao, walang ibang anyo ng buhay ang makagaganap sa ganoong papel. Kung ang tao ang magiging tunay na pagkakabuu-buo ng gawaing pamamahala, kung gayon ang hindi pagsunod ng masamang sangkatauhan ay kailangang lubos na mawala. Kailangang bigyan ang tao ng pagsasagawa na angkop sa iba’t ibang panahon, at na ang Diyos ay magsasagawa ng katumbas na gawain sa gitna ng tao. Tanging sa paraang ito makakamtan sa kahuli-hulihan ang isang kalipunan ng tao na siyang pagkakabuu-buo ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi maaaring magpatotoo sa Diyos Mismo sa pamamagitan lamang ng gawain ng Diyos; ang mga ganoong patotoo ay nangangailangan din ng mga buhay na tao na angkop sa Kanyang gawain nang sa gayon ito ay makamit. Gagawa muna ang Diyos sa mga taong ito, na kung saan sa pamamagitan nila ang Kanyang gawain ay maihahayag, kaya ang gayong patotoo sa Kanyang kalooban ay matataglay sa gitna ng mga nilalang. At dito, makakamtan ng Diyos ang layunin ng Kanyang gawain. Hindi mag-isang gumagawa ang Diyos upang matalo si Satanas dahil hindi Niya kayang tuwirang magpatotoo para sa sarili Niya sa gitna ng lahat ng mga nilalang. Kung ito ay gagawin Niya, magiging imposible na lubusang hikayatin ang tao, kaya nararapat na gumawa ang Diyos sa tao upang siya ay lupigin, at saka lamang Siya magkakamit ng patotoo sa gitna ng lahat ng mga nilalang. Kung gagawang mag-isa ang Diyos, at wala ang pakikipagtulungan ng tao, o kung hindi inatasan ang tao na makipagtulungan, kung gayon hindi magagawang makilala ng tao ang disposisyon ng Diyos, at magpakailanmang magiging walang kamalayan sa kalooban ng Diyos; sa paraang ito, hindi ito matatawag na gawain ng pamamahala ng Diyos. Kung magsisikap lamang ang tao mismo, at maghahanap, at gagawa nang maigi, nguni’t hindi niya naunawaan ang gawain ng Diyos, kung gayon, kalokohan lang ang gagawin ng tao. Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, yaong ginagawa ng tao ay kay Satanas, siya ay suwail at gumagawa ng masama; naihahayag si Satanas sa lahat ng ginagawa ng masamang sangkatauhan, at walang anumang kaayon sa Diyos, at ang lahat ay kahayagan ni Satanas. Wala sa mga nasabi na ang para lamang sa mga pangitain at pagsasagawa. Sa saligan ng mga pangitain, hinahanap ng tao ang pagsasagawa, hinahanap niya ang landas ng pagsunod, nang sa gayon ay maisasantabi niya ang kanyang mga pagkaintindi at makakamit yaong mga bagay na hindi pa niya nataglay sa nakalipas. Kinakailangan ng Diyos na makipagtulungan ang tao sa Kanya, na ang tao ay ganap na magpasakop sa Kanyang mga kinakailangan, at hinihingi ng tao na mamasdan ang gawaing ginagawa ng Diyos Mismo, upang maranasan ang kapangyarihan ng Diyos, at malaman ang disposisyon ng Diyos. Ang mga ito, sa kabuuan, ay ang pamamahala ng Diyos. Ang pagsasanib ng Diyos at ng tao ay ang pamamahala, at ang pinakadakilang pamamahala.
mula sa mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi)" Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao
Personal thoughts:
God’s work is omnipotent ! Amen !
✨ ¦🌹✨💎
🌹✨
Rekomendasyon:
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
0 Mga Komento