Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali’t hindi kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka’t pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subali’t ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy-bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan nilang mga hindi-tapat at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan nguni’t hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos nguni’t napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak-na-lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol
sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ngayon ang panahon na Aking inaalam ang katapusan ng bawa’t tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong hubugin ang tao. Sinusulat Ko sa Aking talaang libro, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawa’t tao, maging ang kanilang daan sa pagsunod sa Akin, ang kanilang likas na mga katangian, at ang kanilang huling paggawa. Sa ganitong paraan, walang uri ng tao ang makakatakas sa kamay Ko at lahat ay makakasama ng kanilang kauri ayon sa itinalaga Ko. Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawa’t tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat mong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat niyaong pinarusahan ay pinarusahan nang gayon dahil sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa. …
Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagsasakdal; sila man, nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang makita sa lahat ng panahon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang katayuan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong sinimulang pangunahan ang sangkatauhan, umaasa Ako nang husto na makakamit ng isang grupo ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Hindi ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi ko kaisa sa pag-iisip; nasusuklam ako sa kanila sa Aking puso, naghihintay lamang ng pagkakataon para gantihan Ko sila, at ikatutuwa Kong makita iyon. Ang araw Ko ay dumating na ngayon sa wakas, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!
Ang huling gawain ko ay hindi lamang para parusahan ang tao kundi para din sa kapakanan ng pagsasaayos ng hantungan ng tao. Higit pa rito, ito ay para sa kapakanan ng pagtanggap ng pagkilala mula sa lahat para sa lahat ng nagawa Ko. Nais Kong makita ng bawa’t isang tao na ang lahat ng nagawa Ko ay tama, at ang lahat ng nagawa Ko ay kapahayagan ng Aking disposisyon; hindi ito gawain ng tao, lalong hindi ng kalikasan, na nagbunga ng sangkatauhan. Bagkus, Ako ang nag-alaga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala Ako, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at sasailalim sa hampas ng kalamidad. Walang taong makakakitang muli kahit kailan ng magandang araw at buwan o ng luntiang mundo; ang mararanasan lamang ng sangkatauhan ay ang maginaw na gabi at hindi natitinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang tanging pag-asa ng sangkatauhan at, lalo na, Ako ang Siyang dahilan kung bakit umiiral ang sangkatauhan. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay agad na darating sa ganap na pagtigil. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay daranas ng malawakang kapahamakan at tatapakan ng lahat ng uri ng mga multo, kahit na walang nakikinig sa Akin. Nakagawa Ako ng gawaing walang sinuman ang makagagawa, ang tangi Kong pag-asa ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Kahit na yaong makakabayad sa Akin ay napakaunti, tatapusin Ko pa rin ang Aking paglalakbay sa mundo ng tao at uumpisahan ang susunod na hakbang ng Aking gawaing nalalantad, dahil lahat ng Aking pagmamadaling pagparoo’t parito sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at lubos Akong nasisiyahan. Ang Aking iniintindi ay hindi ang bilang ng mga tao bagkus ang kanilang mabubuting gawa. Gayon pa man, umaasa Ako na naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa inyong patutunguhan. Saka Ako masisiyahan; kung hindi, wala sa inyo ang makatatakas sa sakunang darating sa inyo. Ang sakuna ay nagmumula sa Akin at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo makapagpapakita bilang mabuti sa Aking mga mata, kung gayon hindi ninyo matatakasan ang paghihirap ng sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang inyong mga pagkilos at mga gawa ay hindi itinuring na lubusang karapat-dapat, dahil ang inyong pananampalataya at pag-ibig ay hungkag, at ipinakita lamang ninyo ang inyong mga sarili na alinman sa duwag o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Ang Aking patuloy na pinahahalagahan ay ang paraan kung saan bawa’t isa sa inyo ay kumikilos at inihahayag ang kanyang sarili, ang batayan kung saan pagpapasyahan Ko ang inyong wakas. Datapwa’t, kailangang gawin Ko itong malinaw: hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka’t ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposiyon Ko, sinuman ang taong iyan. Kailangang sabihin Ko ito sa inyo: Sinumang dumudurog sa Aking puso ay hindi tatanggap ng kaawaan mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at sinumang naging matapat sa Akin ay mananatili sa puso Ko magpakailanman.
mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa Aking mga tao na nasa kaharian ng kasalukuyan, sino sa inyo ang hindi tao na nakahalubilo sa mga tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag inihayag sa sangkaramihan ang tanda ng bago Kong panimula, ano kaya ang reaksyon ng sangkatauhan? Nakita ninyo mismo ng inyong sariling mga mata ang estado ng sangkatauhan; tiyak na hindi na kayo umaasa pa na magpakailanmang magtitiis sa mundong ito? Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob.
mula sa “Ang Ikalabinsyam na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kasunod ng kaganapan ng mga salita Ko, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting babalik sa pagiging-karaniwan ang tao, at sa gayon naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, mababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan na ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa madilim, mahirap na mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi na nakikipag-away ang mga tao sa isa’t isa, hindi na makikipagdigma ang mga bansa sa isa’t isa, wala na ang patayan at ang dugong dumadaloy mula sa patayan; mapupuno ang lahat ng mga lupain ng kaligayahan, at punung-puno ng init sa pagitan ng mga tao ang lahat ng dako. Kumikilos Ako sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking trono, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng mga bituin. At naghahandog sa Akin ang mga anghel ng mga bagong awitin at mga bagong sayaw. Hindi na sinasanhi ng kanilang kahinaan na umagos ang mga luha sa kanilang mga mukha. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng pag-iyak ng mga anghel, at wala na ring nagrereklamo sa Akin ng kahirapan. Ngayon, lahat kayo ay nabubuhay sa harapan Ko; bukas, mamamalagi kayong lahat sa Aking kaharian. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpapala na ipinagkakaloob Ko sa tao?
mula sa “Ang Ikadalawampung Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala ng di-pagkamatuwid ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala ng pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong saklaw; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng masama ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang na ang kasamaan ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong saklaw; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang dumalaw sa langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.
mula sa “Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dahil sa kaya nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawa ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang susubok na tutulan sila, at maaari nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng mga tao ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagsasama-sama mula sa iba’t-ibang dako ng mundo, sila ay nagsasalita ng iba’t-ibang wika at may iba’t-ibang kulay ng balat, nguni’t ang kanilang pamamalagi ay may parehong kahulugan, lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay dala ang parehong patotoo, at mayroong parehong kapasyahan, at parehong hangarin. Ang mga umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad nang malaya sa buong mundo, ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos ay maaaring maglakbay sa buong sansinukob. Ang mga taong ito ay minamahal ng Diyos, sila ay pinagpala ng Diyos, at sila ay magpakailanmang mabubuhay sa Kanyang liwanag.
mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yaong gagawing perpekto ng Diyos ay silang tatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay, tinatanggap nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa loob; isinagawa sa kanila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang kabuuan ng Diyos, magagawa ninyong ganap na tanggapin ang lahat bilang gayon, kaya naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng tao na ginawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos. Ang ganitong uri lamang ng tao ang nararapat na magmana ng mga pagpapalang ito na ipinagkaloob ng Diyos:
1. Tinatanggap nang buo ang pag-ibig ng Diyos.
2. Kumikilos alinsunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay.
3. Tinatanggap ang gabay ng Diyos, namumuhay sa ilalim ng liwanag ng Diyos, at pagiging nililiwanagan ng Diyos.
4. Pagsasabuhay sa imahe na mahal ng Diyos sa mundo; minamahal nang tunay ang Diyos gaya ng ginawa ni Pedro, na napako sa krus para sa Diyos at karapat-dapat na mamatay bilang kabayaran sa pagmamahal sa Diyos; ang pagkakaroon ng kaluwalhatian gaya ni Pedro.
5. Ang pagiging minamahal, iginagalang, at hinahangaan ng lahat sa lupa.
6. Napagtatagumpayan ang lahat ng pagkaalipin ng kamatayan at ng Hades, hindi binibigyang pagkakataon ang gawain ni Satanas, naaangkin ng Diyos, namumuhay sa loob ng isang bago at masiglang espiritu, at hindi nakararamdam ng kapaguran.
7. Ang pagkakaroon ng isang hindi mailarawang pakiramdam ng pagkalugod at kagalakan sa lahat ng oras sa buong buhay, na para bang nakita na niya ang araw ng pagdating ng kaluwalhatian ng Diyos.
8. Tumatanggap ng kaluwalhatiang kasama ng Diyos, at ang pagkakaroon ng isang anyo na gaya ng mga banal na taong minamahal ng Diyos.
9. Pagiging yaong iniibig ng Diyos sa lupa, samakatuwid, ang pinakamamahal na anak ng Diyos.
10. Ang pagbabagong-anyo at pag-akyat kasama ang Diyos sa ikatlong langit, nalalampasan ang laman.
mula sa “Ang mga Pangako para sa mga Naging Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang tao ay pumasok na sa walang hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natamo na ng tao ang kaligtasan at nakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahangad ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, hindi na kailangan pa na mag-alala na siya ay kinubkob ni Satanas. Sa oras na ito, malalaman ng tao ang kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila parusahan o hatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa oras na iyon, magiging nilikha ang tao sa parehong pagkakakilanlan at kalagayan. Wala nang magiging pagtatangi tungkol sa mataas at mababa; bawat tao ay gaganap na lamang ng ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mabubuhay pa rin sa isang maayos, angkop na hantungan ng sangkatauhan, tutuparin ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang isang sangkatauhan na kagaya nito ay magiging ang sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa oras na iyon, matatamo na ng tao ang isang buhay na nililiwanagan ng Diyos, isang buhay na nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa, at ang kabuuan ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad maisasakatuparan: Ang tao ay papasok sa hinaharap na hantungan sa oras lamang na maging ganap ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa oras na si Satanas ay ganap nang natalo. Ang tao ay hindi na magkakaroon ng makasalanang kalikasan pagkatapos na siya ay madalisay, dahil madadaig na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga masamang puwersa, at walang masamang mga puwersa ang maaaring sumalakay sa laman ng tao. At kaya makalalaya ang tao, at magiging banal—siya ay makapapasok sa kawalang-hanggan. Kapag ang masasamang puwersa ng kadiliman ay naigapos na saka pa lamang magiging malaya ang tao saan man siya magpunta, at nang walang paghihimagsik o pagsalungat. Si Satanas ay kailangang maigapos para maging maayos ang tao; sa ngayon, hindi siya maayos sapagkat[a] si Satanas ay naghahasik pa rin ng kaguluhan kahit saan sa lupa, at sapagkat ang kabuuang gawain sa pamamahala ng Diyos ay hindi pa umaabot sa kanyang katapusan. Sa oras na matalo na si Satanas, ang tao ay magiging lubos nang malaya; kapag natamo ng tao ang Diyos at nakalabas sa ilalim ng sakop ni Satanas, kanyang pagmamasdan ang Araw ng pagkamatuwid. Ang buhay na karapat-dapat sa normal na tao ay mababawi; lahat ng dapat taglayin ng isang normal na tao—kagaya ng kakayahan na mawari ang mabuti sa masama, at pagkaunawa kung papaano pakainin at damitan ang sarili, at ang kakayahan na mabuhay nang normal—ang lahat ng ito ay mababawi.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag nakamit na ng tao ang tunay na buhay ng tao sa lupa, ang buong mga puwersa ni Satanas ay magagapos, at ang tao ay mabubuhay nang walang hirap sa ibabaw ng lupa. Ang mga bagay ay hindi magiging mahirap unawain gaya ng sa kasalukuyan: Mga relasyong pantao, mga relasyong sosyal, magulong relasyong pangsambahayan…, ang mga ito ay totoong nakaaabala, masyadong masakit! Ang buhay ng tao rito ay masyadong miserable! Sa oras na malupig ang tao, ang kanyang puso at kaisipan ay magbabago: Magkakaroon siya ng pusong gumagalang sa Diyos at ng pusong umiibig sa Diyos. Sa oras na lahat silang nasa loob ng mundo na naghahangad na ibigin ang Diyos ay nalupig na, na ang ibig sabihin, sa oras na matalo si Satanas, at sa oras na si Satanas—lahat ng mga puwersa ng kadiliman—ay nagapos na, sa gayon ang buhay ng tao sa lupa ay magiging hindi maligalig, makapamumuhay siya nang malaya sa ibabaw ng lupa. Kung ang buhay ng tao ay walang makalamang mga pakikipagrelasyon, at walang mga suliranin ng laman, sa gayon ito ay magiging madali. Ang mga ugnayan sa laman ng tao ay masyadong magulo, at para sa tao ang magkaroon ng mga ganitong bagay ay patunay na hindi pa niya napalalaya ang kanyang sarili sa impluwensya ni Satanas. Kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa iyong karaniwang sambahayan, kung gayon ay wala kang mga alalahanin, at hindi na kailangan pang mag-alala tungkol sa sinuman. Wala nang bubuti pa, at sa ganitong paraan gagaan nang kalahati ang kanyang pagdurusa. Ang pamumuhay ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, ang tao ay magiging katulad ng isang anghel; bagaman nasa laman pa rin, siya ay lalong magiging parang anghel. Ito ang panghuling pangako, ito ang huling pangako na ipagkakaloob sa tao.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Ang nilalahad ng orihinal na teksto “ngayon, ito ay dahil.”
0 Mga Komento