Latest Tagalog Christian Worship Song | "Tanging Matatapat na Tao ang May Pagkakahawig sa Tao"

Latest Tagalog Christian Worship Song | "Tanging Matatapat na Tao ang May Pagkakahawig sa Tao" (Hymno)

Para sa tubo,
aking tinalikuran ang lahat ng pamantayan ng pag-uugali,
at tahasang ginamit ang pandaraya para kumita ng ikabubuhay,
Hindi ko pinahalagahan ang konsensiya o moralidad,
wala para sa integridad o dignidad.
Nabuhay lang ako para
sawatain ang lumalala kong kahalayan at kasakiman.
May balisang puso, nagkandahirap ako sa putik ng kasalanan,
nang walang paraan para
makawala sa walang hangganang kadiliman.
Ang kayamanan ng buhay at panandaliang mga libangan
ay hindi maitago ang kawalang-laman at pait sa aking puso.
Madaling isulat ang salitang “tao”.
Ngunit ang maging matapat at mapagkakatiwalan
ay mas mahirap kaysa mahirap.
Sino ang makapagliligtas sa akin mula sa lalim ng kasalanan?
Sino ang makapagliligtas sa akin mula sa lalim ng kasalanan?

Ang tinig ng Diyos ang nag-akay sa akin patungo sa Kanya.
Ngayon ako ay makakasunod sa Diyos
at gugugol para sa Kanya.
Ang aking puso ay punong-puno ng tamis
mula sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos araw-araw.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan,
taglay ko na ngayon ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao.
Ang lahat ng aking ginagawa at sinasabi
ay ayon sa mga salita ng Diyos.
Pagtanggap ng pagsisiyasat ng Diyos sa lahat
nagagawang magpahinga ang puso kong tiwasay at payapa
Walang pandaraya, walang panlilinlang,
ako ay namumuhay sa liwanag.
Taglay ang bukas na puso, ako ay matapat na tao,
at sa wakas ako ay namumuhay na kahawig ng tao.
Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang nagligtas sa akin,
at tinulungan ako para maipanganak muli
sa mga salita ng Diyos.
Magpakailanman akong nagpapasalamat sa
pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos!
Magpakailanman akong nagpapasalamat sa
pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos!
Magpakailanman akong nagpapasalamat sa
pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento