Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Bersiyon sa Entablado)

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Bersiyon sa Entablado)

Ang Galit ng Diyos ay Isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang mga Puwersa at Lahat ng Positibong mga Bagay

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa pagkakasala ang Kanyang bukod-tanging sangkap; ang galit ng Diyos ang Kanyang bukod-tanging disposisyon; ang kamahalan ng Diyos ang Kanyang bukod-tanging sangkap lamang. Ang prinsipyo sa likod ng galit ng Diyos ay naglalarawan sa pagkakakilanlan at katayuan na Siya lamang ang nagtataglay. Hindi na kailangang banggitin ng sinuman na ito ay sagisag rin ng nilalaman ng natatanging Diyos Mismo. Ang disposisyon ng Diyos ay ang Kanyang sariling likas na nilalaman. Hindi ito nagbabago kahit kailan sa pagdaan ng panahon, ni magbago man kapag nagbabago ang lokasyon. Ang Kanyang likas na disposisyon ay ang Kanyang tunay na nilalaman. Hindi alintana kung kanino man Niya iniuukol ang Kanyang ginagawa, hindi nagbabago ang Kanyang nilalaman, at maging ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag ginalit ng isang tao ang Diyos, yaong Kanyang ipinadadala ay ang Kanyang likas na disposisyon; sa pagkakataong ito, ang prinsipyo sa likod ng Kanyang galit ay hindi nagbabago, ni maging ang Kanyang natatanging pagkakakilanlan at estado. Hindi Siya nagagalit dahil may nagbago sa Kanyang nilalaman o dahil ang Kanyang disposisyon ay nagbunga ng iba’t ibang mga elemento, kundi dahil ang pagsalungat ng tao sa Kanya ay nakakasakit sa Kanyang disposisyon. Ang lantarang pagpapagalit ng tao sa Diyos ay isang matinding hamon sa sariling pagkakakilanlan at estado ng Diyos. Sa pananaw ng Diyos, kapag hinahamon Siya ng tao, kinakalaban Siya ng tao at sinusubok ang Kanyang galit. Kapag sinasalungat ng tao ang Diyos, kapag kinakalaban ng tao ang Diyos, kapag patuloy na sinusubok ng tao ang galit ng Diyos–na kung kailan din nagiging laganap ang kasalanan–ang galit ng Diyos ay natural na mabubunyag at makikita. Samakatuwid, ang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang galit ay sumisimbulo na lahat ng mga puwersa ng kasamaan ay titigil sa pag-iral; sumisimbulo ito na ang lahat ng mga puwersang salungat ay wawasakin. Ito ang pagiging natatangi ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ito ang pagiging natatangi ng galit ng Diyos. Kapag hinamon ang dignidad at kabanalan ng Diyos, kapag ang makatarungang mga puwersa ay hinadlangan at hindi nakita ng tao, ipadadala ng Diyos ang Kanyang galit. Dahil sa diwa ng Diyos, lahat ng mga puwersa sa mundo na kumakalaban sa Diyos, sumasalungat at nakikipagtalo sa Kanya ay masasama, tiwali at hindi makatarungan; nagmula at kabilang sila kay Satanas. Dahil makatarungan ang Diyos, nasa liwanag at walang-bahid na banal, lahat ng mga bagay na masama, tiwali at kabilang kay Satanas ay maglalaho sa pagpapakawala ng galit ng Diyos...Kung wala ang galit ng Diyos, bababa ang sangkatauhan sa mga kalagayan ng pamumuhay na hindi karaniwan; ang lahat ng mga bagay na matuwid, maganda at mabubuti ay mawawasak at hihinto sa pag-iral. Kung wala ang galit ng Diyos, ang mga batas at kaayusan na nagpapatakbo sa sangnilikha ay masisira o maaaring tuluyang bumagsak. Simula sa paglikha sa tao, patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon upang pangalagaan at panatilihin ang normal na pag-iral ng sangkatauhan. Sapagka’t ang Kanyang matuwid na disposisyon ay naglalaman ng galit at kamahalan, ang lahat ng masasamang tao, mga bagay, kaganapan at lahat ng mga bagay na gumagambala at sumisira sa karaniwang pag-iral ng sangkatauhan ay naparurusahan, nakokontrol at nawawasak dahil sa Kanyang galit. Sa mga nakalipas na libu-libong taon, patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon upang pabagsakin at wasakin ang lahat ng uri ng marumi at masamang mga espiritu na kumakalaban sa Diyos at kumikilos bilang mga kasabwat at tagapagpatupad ni Satanas sa Kanyang trabaho ng pamamahala sa sangkatauhan. Sa gayon, ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao ay laging nauuna ayon sa Kanyang plano. Masasabi natin na dahil sa pag-iral ng galit ng Diyos, ang pinakamatuwid na gawain sa kalagitnaan ng mga tao ay hindi kailanman nawasak."

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento