Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pagiging Totoo at Kaibig-ibig ng Diyos

Isang Himno ng mga Salita ng DiyosAng Pagiging Totoo at Kaibig-ibig ng Diyos

I

Para kay Adan at Eva,
ang Panginoong Diyos ay gumawa ng mga damit sa mga balat,
at dinamitan sila.
Ang nakikita natin mula sa imaheng ito
ay lumilitaw ang Diyos
sa pagganap ng magulang nina Adan at Eva.
Ah … ah … ah … ah …
II
Ginawa ng Diyos sina Adan at Eva,
kinuha sila bilang Kanyang mga kasamahan.
Bilang tangi nilang pamilya,
inalagaan Niya ang kanilang buhay,
pati na rin ang pag-aalaga ng lahat,
lahat ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Lumilitaw ang Diyos
sa pagganap ng magulang nina Adan at Eva.
Bilang magulang ni Adan at Eva.
Sa gawaing ito ginagawa ng Diyos,
sa gawaing ito ginagawa ng Diyos,
Hindi makita ng tao kung gaano kataas ang Diyos,
o ang Kanyang pinakamataas na kapangyarihan.
Ni 'di rin nila maaaring makita Siya na nabalot sa misteryo,
o ang Kanyang galit at kamahalan.
Ang lahat ng nakikita nila ay ang pag-ibig ng Diyos
at ang Kanyang kapakumbabaan.
At nakita nila ang Kanyang pagmamalasakit sa tao
gayundin ang Kanyang tungkulin
at pangangalaga sa tao.
III
Ang paraan ng pag-iisip
at pagtrato ng Diyos kina Adan at Eva,
ay katulad ng pag-aalaga ng mga magulang
sa kanilang sariling mga anak,
tulad ng pag-aasikaso, pagmamalasakit,
at pagmamahal ng mga magulang
ang kanilang sariling mga anak - 
tunay at totoo, ay maaaring makita at mahawakan.
Hindi inilagay ng Diyos ang Sarili Niya
sa isang makapangyarihan at mataas na posisyon,
ngunit sa Kanyang sariling mga kamay,
gumawa Siya ng damit para sa tao na isuot.
Kahit na ito'y isang simpleng bagay,
bagay na masyadong simple na mabanggit,
ginagawa nito ang lahat ng sumusunod sa Diyos,
na puno ng malabong mga ideya,
makita kung sino Siya talaga, Siya'y tunay,
at Siya'y kaibig-ibig din;
makita na Siya'y mapagpakumbaba at tapat.
IV
Para kay Adan at Eva,
ang Panginoong Diyos ay gumawa ng mga damit sa mga balat,
at dinamitan sila.
Ang nakikita natin mula sa imaheng ito
ay lumilitaw ang Diyos
sa pagganap ng magulang nina Adan at Eva,
sa pagganap ng magulang nina Adan at Eva. 
Ah … ah … ah … ah …
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Mga Himno|Hymn Videos|MP3|Awit at Papuri|Cristianong Papuring Kanta

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento