Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Pinagpala ang Salinlahi ng mga Huling Araw



Isang Himno ng mga Salita ng DiyosPinagpala ang Salinlahi ng mga Huling Araw


I
Lahat ng ito'y biyaya ng Diyos
na makita natin ang kariktan Niya,
na ngayo'y hanapin nating mahalin S'ya,
na nais nating tanggapin
ang pagsasanay sa Kapanahunan ng Kaharian.
Lahat ng ito'y biyaya ng Diyos,
at sa pamamagitan nito'y inaangat Niya tayo.
At kapag iniisip ko 'to,
nadarama ko ang kariktan ng Diyos.
Tunay na minamahal tayo ng Diyos,
kung hindi, tayo'y hindi makakaramdam ng ganito.
Pinapakita nito na pinagpala tayo
higit pa sa mga banal, higit pa sa iba.
Kaya palaging sinasabi ng Diyos na ang mga tao
sa huling kapanahunan ay pinagpala.
II
Lahat ng ito'y plano ng Diyos—
Matagal na panahon na tayong itinalaga ng Diyos
upang matamo tayo sa mga huling araw,
upang makita ng buong sansinukob
lahat ng kaluwalhatian ng Diyos sa atin.
Tayo ang bunga ng plano ng Diyos,
ang ehemplo ng Kanyang gawain.
At kapag iniisip ko 'to,
nadarama ko ang kariktan ng Diyos.
Tunay na minamahal tayo ng Diyos,
kung hindi, tayo'y hindi makakaramdam ng ganito.
Pinapakita nito na pinagpala tayo
higit pa sa mga banal, higit pa sa iba.
Kaya palaging sinasabi ng Diyos na ang mga tao
sa huling kapanahunan ay pinagpala.
III
Ang salita ng Diyos
at gawaing ginagawa Niya sa atin
ay lahat hinihigitan milyong ulit
yaong sa nakaraang panahon.
Hindi sa Israel, kahit na kay Pedro,
na gumawa ang Diyos nang labis,
na nagsalita ang Diyos nang labis.
At kapag iniisip ko 'to,
nadarama ko ang kariktan ng Diyos.
Tunay na minamahal tayo ng Diyos,
kung hindi, tayo'y hindi makakaramdam ng ganito.
Pinapakita nito na pinagpala tayo
higit pa sa mga banal, higit pa sa iba.
Kaya palaging sinasabi ng Diyos na ang mga tao
sa huling kapanahunan ay pinagpala.
Pinagpala... Pinagpala... Tayo'y pinagpala.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Tagalog praise and worship Songs|Awit ng papuri

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento