Paano Inilalantad at Pinupuksa, ang mga Hangal na Birhen?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


"Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat" (Lucas 11:23).

"Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay" (Mateo 3:12).

"Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa" (Pahayag 1:7).



Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

"Gusto ba ninyong malaman kung ano ang pinag-ugatan ng pagkalaban ng mga Fariseo kay Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang substansya ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman sa daan ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang daan ng katotohanan. Sasabihin ninyo, paano matatamo nang gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang daan ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang pagkatao ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magagawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, kung isasaalang-alang na wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusgahan ang pagbabalik ni Jesus sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litong-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag tanggapin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko sa inyo: Ang mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang lahing lilipulin. Hinahangad lang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lang ninyong matamasa ang napakaligayang kaharian ng langit, subalit hindi naman ninyo sinunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao. Ano ang pinanghahawakan ninyo bilang kapalit ng katotohanan ng pagbalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo na paulit-ulit kayong gumagawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay ikinukumpisal ang mga ito, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng pagtatrabaho na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang pinanghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Iyon bang mayabang ninyong kalikasan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?"

mula sa "Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa"

"Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklawan ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. ... hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang husgahan Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi alinsunod sa Biblia, nang walang pagtatangi, ay hindi Ko gawa. Hindi ba ang gayong mga tao ay mga masunuring inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Judiong Fariseo ang mga batas ni Moises upang husgahan si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang lubusan, hanggang sa sukdulang ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi Siya ang Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi pinapakinggan ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniwala sa Biblia. Sa katunayan, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang mapangalagaan ang mga kapakanan ng Biblia, at mapagtibay ang dignidad ng Biblia, at mapanatili ang reputasyon ng Biblia, humantong sila hanggang sa pagpako sa mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang husgahan si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat salita ng Kasulatan?

At ano naman ang mga tao ngayon? Dumating si Cristo upang ipahayag ang katotohanan, ngunit mas pipiliin nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at makatanggap ng biyaya. Mas pipiliin nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan upang kanilang maprotektahan ang mga interes ng Biblia, at mas pipiliin nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbabalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paano matatanggap ng tao ang Aking kaligtasan, kung ang kanyang puso ay lubhang mapaghangad ng masama, at ang kanyang kalikasan ay napakapalaban sa Akin?"

mula sa "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"

"Ang mga umiintindi lamang sa mga salita ng Biblia, ang mga walang pakialam sa katotohanan o paghahangad sa Aking mga yapak—sila ay laban sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako ayon sa Biblia, at Ako’y kanilang pinipilit sa loob ng Biblia, kaya’t lubhang lapastangan tungo sa Akin. Paano makalalapit ang gayong mga tao sa Akin? Sila ay hindi nagbibigay ng pag-intindi sa Aking mga gawa o sa Aking kalooban, o sa katotohanan, sa halip sila ay nahuhumaling sa mga salita, mga salitang nakamamatay. Paano magiging kaayon sa Akin ang mga gayong tao?"

mula sa "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"

"Ang ilang tao ay 'di nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan; ang mga taong ito ay pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pagaalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan. Sila ay nagsasalita ng pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig sa mga dakilang pastor at mga guro, at si Cristo ay isinantabi. Ang kanilang mga puso ay punong-puno ng kasikatan, kayamanan at karangalan. Talagang hindi sila naniniwala na ang isang ganoong kahinang tao ay may kakayahan ng panlulupig sa karamihan, na ang isang hindi kapansin-pansin ay may kakayahang gawing perpekto ang mga tao. Talagang hindi sila naniniwala na itong mga walang saysay na taong kasama sa mga alikabok at mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Sila ay naniniwala na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng kaligtasan ng Diyos, kung ganoon ang langit at lupa ay mababaliktad at lahat ng tao ay magtatawanan nang malakas. Sila ay naniniwala na kung pinili ng Diyos ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganoon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga pananaw ay nababahiran ng di-pananampalataya, sa katunayan, sa halip na di-pananampalataya, ang mga ito ay malaking kahibangang mga halimaw. Sapagkat ang pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at kapangyarihan; kanilang pinaguukulan ng mataas na pagpapahalaga ang mga malalaking grupo at mga sekta. Talagang wala silang pagsasaalang-alang para sa mga pinangungunahan ni Cristo; sila ay mga traydor lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi ang kababaang-loob ni Cristo ang iyong hinangaan, kundi ang mga huwad na pastol na may prominenteng katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o karunungan ni Cristo, kundi ang mga walang pakundangang nauugnay sa malaswang mundo. Tinatawanan mo ang mga pasakit ni Cristo na walang lugar para pagpatungan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan ang mga bangkay na kumakamkam ng mga pag-aalay at namumuhay sa kahalayan. Ikaw ay hindi handang magdusa sa tabi ni Cristo, kundi masayang pumupunta sa mga bisig ng mga walang taros na mga anticristo bagama’t tinutustusan ka lamang ng laman, mga letra at pagkontrol. Kahit ngayon, tumatalima patungo sa mga ito ang iyong puso, sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan sa puso ng mga Satanas, sa kanilang impluwensya, at sa kanilang awtoridad, ngunit patuloy kang nagkakaroon ng saloobin ng paglaban at hindi pagtanggap sa gawain ni Cristo. Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na wala kang pananampalataya ng pagkilala kay Cristo."

mula sa "Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?"

"Ang inyong katapatan ay sa salita lamang, ang inyong kaalaman ay pang-isipan at pang-intindi lamang, ang inyong mga pagpapagal ay para lamang magtamo ng mga pagpapala ng langit, kaya paano kayo dapat manampalataya? Kahit ngayon, nagbibingi-bingihan ka pa rin sa bawat salita ng katotohanan. Hindi ninyo alam kung ano ang Diyos, hindi ninyo alam kung ano si Cristo, hindi ninyo alam kung paano igalang si Jehova, hindi ninyo alam kung paano pumasok sa gawain ng Banal na Espiritu, at hindi ninyo alam kung paano tukuyin ang gawain ng Diyos Mismo at ang mga panlilinlang ng tao. Ang alam mo lang ay husgahan ang bawat salita ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na hindi sumasang-ayon sa iyong kaisipan. Nasaan ang iyong pagpapakumbaba? Nasaan ang iyong pagsunod? Nasaan ang iyong katapatan? Nasaan ang paghahangad mong mahanap ang katotohanan? Nasaan ang iyong paggalang sa Diyos? Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na kategorya na daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang oras na nasaksihan mong bumaba si Jesus mula sa langit ang iyon ring oras ng pagbaba mo sa impiyerno para parusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayo’y napadalisay na, ay nakabalik na sa luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Maylalang. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at pinapakawalan ang tunay na daan ng buhay. Kaya maaari lamang na harapin sila ni Jesus kapag hayagan Siyang bumalik nang nasa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang mga gayong mababang-uri? Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga."

mula sa "Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa"
Rekomendasyon:Parabula ng sampung dalaga

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento