Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi)




           Kung nais mong maging karapat-dapat na magamit ng Diyos, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos; dapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, dapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, dapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, hindi mo ito magagawa nang hindi nalalaman ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (ang Diyos) masabi sa inyo kung ano talaga ang nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay makukumbinsi.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, dapat ninyong maunawaan una sa lahat ang katotohanang panloob ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehova. At dapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus.
Ito ang mga isyung pinaka-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman sa Diyos at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong sasabihin kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pamamaraan, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.

Sa panahon ni Jesus, unang isinagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain kay Jesus, habang ang mga naglilingkod kay Jehova na nakasuot ng mga kasuotang pang-pari sa templo ay isinagawa ang mga ito nang mayroong di-natitinag na katapatan. Nasa kanila rin ang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit hindi nila naramdaman ang kasalukuyang kalooban ng Diyos, at nanatiling tapat lang kay Jehova ayon sa mga lumang kaugalian, na walang bagong patnubay. Dumating si Jesus at nagdala ng bagong gawain. Yaong mga tao sa templo ay walang bagong patnubay, ni mayroong bagong gawain. Sa kanilang paglilingkod sa templo, pinaninindigan nila ang mga lumang kaugalian; sa hindi pag-alis sa templo, wala silang bagong pagpasok. Ang bagong gawain ay dinala ni Jesus, at hindi nagpunta sa templo si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain. Isinagawa Niya lamang ang Kanyang gawain sa labas ng templo, dahil ang sakop ng gawain ng Diyos ay matagal nang nagbago. Hindi Siya gumawa sa loob ng templo, at nang ang tao ay naglingkod sa Kanya roon pinanatili lamang nito ang mga bagay-bagay gaya ng dati, at hindi nakapagdala ng anumang bagong gawain. Gayundin, ang mga relihiyosong tao ngayon ay sinasamba pa rin ang Biblia. Kung ipinalaganap mo ang ebanghelyo sa kanila, saka sila makikipagtalo sa iyo tungkol sa Biblia; at kung, kapag pinag-uusapan nila ang Biblia, mauubusan ka ng mga salita, walang masasabi, iisipin nilang hangal ka sa iyong pananampalataya, ni hindi mo alam ang Biblia, ang Salita ng Diyos, at paano mo nasasabi na naniniwala ka sa Diyos? Pagkatapos ikaw ay kanilang hahamakin, at sasabihing, “Dahil ang iyong pinaniniwalaan ay ang Diyos, bakit hindi Niya sinasabi sa iyo ang lahat tungkol sa Luma at Bagong Tipan? Dahil dinala Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel hanggang sa Silangan, bakit hindi Niya alam ang gawaing isinagawa sa Israel? Bakit hindi Niya alam ang gawain ni Jesus? Kung hindi ninyo alam, ito ay nagpapatunay na hindi kayo sinabihan; dahil Siya ang pangalawang pagkakatawang-tao ni Jesus, bakit hindi Niya alam ang mga bagay na ito? Alam ni Jesus ang gawaing isinagawa ni Jehova; paanong hindi Niya alam?” Kapag dumating ang panahon, tatanungin ka nilang lahat ng mga gayong tanong. Puno ng mga gayong bagay ang kanilang mga pag-iisip; bakit hindi sila magtatanong? Ang mga nasa agos na ito ay hindi nakatuon sa Biblia, dahil sinabayan ninyo ang bawat hakbang ng gawaing isinagawa ng Diyos ngayon, nasaksihan ninyo ang bawat hakbang ng gawain na ito sa pamamagitan ng sarili ninyong mga mata, maliwanag ninyong napagmasdan ang tatlong yugto ng gawain, kaya kinailangan ninyong ibaba ang Biblia at itigil ang pag-aaral nito. Ngunit hindi nila ito mapag-aaralan, dahil wala silang kaalaman sa mga hakbang sa gawaing ito. Ang ibang tao ay magtatanong, “Ano ang pagkakaiba ng gawaing isinagawa ng nagkatawang-taong Diyos sa gawain ng mga propeta at mga apostol noon?” Si David ay tinawag din na Panginoon, gayundin si Jesus; bagaman magkaiba ang gawaing kanilang isinagawa, magkatulad ang itinawag sa kanila. Bakit, sinasabi mo, hindi magkatulad ang kanilang pagkakakilanlan? Ang nasaksihan ni Juan ay isang pangitain, na nagmula rin sa Banal na Espiritu, at nasabi niya ang mga salitang balak sabihin ng Banal na Espiritu; bakit magkaiba ang pagkakakilanlan ni Juan at ni Jesus? Ang mga salitang sinabi ni Jesus ay nagawang ganap na kumatawan sa Diyos, at ganap na kumatawan sa gawain ng Diyos. Ang nakita ni Juan ay isang pangitain, at siya ay walang ganap na kakayahang kumatawan sa gawain ng Diyos. Bakit nagpahayag ng maraming salita sina Juan, Pedro at Pablo—gayundin si Jesus—ngunit hindi sila magkapareho ng pagkakakilanlan ni Jesus? Dahil higit sa lahat ang gawaing kanilang ginawa ay magkaiba. Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila pa rin ay mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos. Sila ay gumawa sa ngalan ng Diyos o matapos ipadala ng Diyos; higit pa rito, sila ay gumawa sa panahong sinimulan ni Jesus o Jehova, at ang gawaing kanilang isinagawa ay hindi magkahiwalay. Sila ay, sa katunayan, mga nilalang lamang ng Diyos. Sa Lumang Tipan, maraming mga propeta ang nagpahayag ng mga hula, o nagsulat ng mga aklat ng hula. Walang nagsabi na sila ang Diyos, ngunit nang sandaling nagpakita si Jesus, bago Siya nagbigkas ng anumang mga salita, ang Espiritu ng Diyos ay nagpatotoo sa Kanya bilang Diyos. Bakit ganoon? Sa puntong ito, dapat ay alam mo na! Noon, ang mga apostol at propeta ay nagsulat ng iba’t ibang kalatas, at gumawa ng maraming hula. Kalaunan, pumili ang mga tao nang ilan sa mga ito na maaaring mailagay sa Biblia, at ang ilan ay nawala. Dahil may mga tao na nagsasabi na ang lahat ng kanilang sinabi ay nagmula sa Banal na Espiritu, bakit itinuring na mabuti ang ilan sa mga ito, at ang ilan ay itinuring na masama? At bakit ang ilan ay napili at ang iba ay hindi? Kung ang mga ito ay talagang mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu, kailangan pa bang mamili ng mga tao sa mga ito? Bakit ang mga ulat ng mga salitang sinabi ni Jesus at ng Kanyang mga ginawang gawain ay iba sa Apat na Ebanghelyo? Hindi ba ito pagkakamali ng mga sumulat nito? Ang ibang tao ay magtatanong, “Dahil ang mga kalatas na isinulat ni Pablo at ng ibang mga manunulat sa Bagong Tipan at ang gawaing isinagawa nila ay bahagyang nagmula sa kalooban ng tao, at nahaluan ng mga pagkaunawa ng mga tao, kung gayon wala bang bahid ng karumihan ng tao sa mga salitang Iyong (ng Diyos) ipinapahayag ngayon? Hindi ba talaga ito nagtataglay ng mga pagkaintindi ng tao?” Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay ganap na iba mula sa gawain na isinagawa ni Pablo at ng mga apostol at propeta. Hindi lamang may pagkakaiba sa pagkakakilanlan, ngunit, higit sa lahat, mayroong pagkakaiba sa gawaing isinasakatuparan. Matapos pabagsakin at sumubsob si Pablo sa harap ng Panginoon, siya ay pinangunahan ng Banal na Espiritu upang gumawa, at siya ay naging sugo. At siya ay sumulat ng mga liham sa mga iglesia, at ang lahat ng mga liham na ito ay sumunod sa mga turo ni Jesus. Si Pablo ay isinugo ng Panginoon upang gumawa sa ngalan ng Panginoong Jesus, ngunit nang dumating ang Diyos Mismo, Siya ay hindi gumawa sa anumang pangalan, at kinatawan walang-iba kundi ang Espiritu ng Diyos sa Kanyang gawain. Dumating ang Diyos upang direktang isagawa ang Kanyang gawain: Hindi Siya ginawang perpekto ng tao, at ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan ayon sa mga aral ng sinumang tao. Sa yugtong ito ng gawain, hindi nangunguna ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang mga sariling karanasan, sa halip ay direktang isinasagawa ang Kanyang gawain, ayon sa kung ano ang mayroon Siya. Halimbawa, ginagawa Niya ang mga gawain ng mga taga-serbisyo, sa panahon ng pagkastigo, ang gawain ng kamatayan, ng pagmamahal sa Diyos…. Ito ang lahat ng gawain na hindi pa nagagawa noon, at gawain sa kasalukuyang panahon, sa halip na mga karanasan ng tao. Sa mga salitang Aking nasabi, alin ang mga karanasan ng tao? Hindi ba’t ang mga ito ay direktang nagmumula sa Espiritu, at hindi ba ang mga ito ay ipinadala ng Espiritu? Ito ay dahil sa napakahina ng iyong kakayahan kaya hindi mo maaninag ang katotohanan! Ang praktikal na paraan ng buhay na Aking sinasabi ay ang gabayan ang landas, at hindi pa nasasabi ng kahit sino noon, ni hindi pa kailanman nararanasan ninuman ang landas na ito, o nalaman ang realidad na ito. Bago Ko binigkas ang mga salitang ito, hindi pa ito nasasabi ninuman. Walang sinuman ang nakapagsalita ng ganoong mga karanasan, ni hindi sila nakapagsabi kailanman tungkol sa mga ganoong detalye, at higit sa lahat, wala pang nakapagturo sa ganoong kalagayan upang ibunyag ang mga bagay na ito. Walang sinuman ang tinahak kailanman ang landas na Aking tinatahak ngayon, at kung ito ay tinahak ng tao, hindi ito ang bagong daan. Halimbawa na lang ay sina Pablo at Pedro. Wala silang mga sariling karanasan bago ang paglakad[b] sa landas na tinahak ni Jesus. Naranasan lang nila ang mga salitang sinabi ni Jesus at ang landas na tinahak Niya matapos tahakin ni Jesus ang landas; mula rito nagkaroon sila ng maraming karanasan, at sinulat ang mga liham. Kaya, ang mga karanasan ng tao ay hindi katulad ng gawain ng Diyos, at ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng kaalamang inilalarawan ng mga pagkaintindi at karanasan ng tao. Sinabi Ko nang paulit-ulit, na ngayon tinatahak Ko ang bagong landas, at ginagawa ang bagong gawain, at ang Aking gawain at pagbigkas ay iba kay Juan at sa lahat ng ibang mga propeta. Hindi Ako kailanman magkakamit muna ng mga karanasan at saka ipapahayag ang mga ito sa inyo—hindi ganyan ang kalagayan sa lahat. Sakali man, hindi ba kayo nito naantala noon pa? Sa nakaraan, ang kaalaman na sinasabi ng lahat ay ginawang dakila din, ngunit ang lahat ng kanilang mga salita ay sinabi lamang batay sa mga tinatawag na espirituwal na kilalang tao. Hindi sila gumabay sa daan, ngunit nagmula sa kanilang mga karanasan, nagmula sa kanilang mga nakita, at mula sa kanilang kaalaman. Ang ilan ay kanilang mga pagkaintindi, at ang iba ay mga karanasan na kanilang ibinuod. Ngayon, ang kalikasan ng Aking gawain ay lubos na iba sa kanila. Hindi Ko naranasan ang pangunahan ng iba, ni natanggap ko ang gawing perpekto ng iba. At saka ang lahat ng Aking mga sinabi at ipinagpakipagsamahan ay hindi tulad ng sa kanino man, at hindi pa nasasabi ninuman. Ngayon, kahit na sino ka man, ang inyong gawain ay isinasakatuparan batay sa mga salitang Aking sinasabi. Kung wala ang mga pagbigkas at gawaing ito, sino ang mga maaaring makaranas sa mga bagay na ito (ang pagsubok ng[c] mga taga-serbisyo, ang mga kapanahunan ng pagkastigo…), at sino ang maaaring magpahayag sa ganoong kaalaman? Wala ka ba talagang kakayahang makita ito? Anuman ang mga hakbang sa gawain, sa sandaling ang mga salita Ko ay masabi, kayo ay nagsisimulang makibahagi ayon sa Aking mga salita, at gumawa ayon sa mga ito, at hindi ito isang paraan na naisip ninuman sa inyo. Matapos makarating sa ganito kalayo, hindi mo pa rin ba kayang makita ang ganoon kalinaw at kasimpleng tanong? Hindi ito isang paraan na naisip na ng ibang tao, ni batay doon sa anumang espirituwal na kilalang tao. Ito ay isang bagong landas, at maging marami sa mga salitang minsang sinabi ni Jesus noon ang hindi na ginagamit. Ang Aking sinasabi ay ang gawain ng pagbubukas ng bagong panahon, at ito ang gawain na nakatatayo nang mag-isa; ang gawaing Aking ginagawa, at ang mga salitang Aking sinasabi, ay pawang mga bago. Hindi ba’t ito ang bagong gawain ngayon? Ganito rin ang gawain ni Jesus. Ang Kanyang gawain ay iba rin sa mga gawain ng mga tao sa templo, at kaya ito ay iba rin sa gawain ng mga Fariseo, at hindi ito nagtataglay ng pagkakatulad sa mga isinagawa ng lahat mga tao sa Israel. Matapos itong masaksihan, hindi makapagpasya ang mga tao: Ginawa ba talaga ito ng Diyos? Hindi kumapit si Jesus sa kautusan ni Jehova; nang Siya ay dumating upang magturo sa tao, ang lahat ng Kanyang sinambit ay bago at iba sa mga sinabi roon ng mga sinaunang santo at propeta sa Lumang Tipan, at dahil dito, nanatiling hindi sigurado ang mga tao. Ito ang dahilan kung bakit mahirap makitungo sa tao. Bago pa man tanggapin ang bagong yugto ng gawain na ito, ang landas na tinahak ng karamihan sa inyo ay upang isagawa at pumasok sa saligan ng yaong mga espiritwal na kilalang tao. Ngunit ngayon, ang gawaing Aking ginagawa ay higit na iba, kaya kayo ay hindi makapagpasya kung ito ba ay tama o hindi. Wala Akong pakialam kung ano ang landas na iyong tinahak noon, hindi rin Ako interesado sa mga pagkaing iyong kinain, o kung sino ang itinuring mong “ama.” Dahil Ako ay naparito at nagdala ng bagong gawain upang gabayan ang tao, ang lahat ng sumusunod sa Akin ay dapat kumilos ayon sa kung ano ang Aking sinasabi. Gaano man kalaki ang kapangyarihan ng “pamilya” na iyong pinanggalingan, kailangan mo Akong sundin, at hindi ka dapat kumilos ayon sa iyong mga dating pagsasagawa, ang iyong “ama-amahan” ay dapat magbitiw, at dapat kang lumapit sa harap ng iyong Diyos upang hanapin ang iyong nararapat na bahagi. Ang kabuuan mo ay nasa Aking mga kamay, at hindi ka dapat maglaan ng sobra-sobrang bulag na paniniwala sa ama-amahan mo; hindi ka niya lubusang makokontrol. Ang gawain ngayon ay nakatatayo nang mag-isa. Ang lahat ng sinasabi Ko ngayon ay maliwanag na hindi batay sa saligan mula sa nakaraan; ito ay isang bagong simula, at kung iyong sasabihin na ito ay nilikha ng kamay ng tao, kung gayon isa ka sa mga bulag na walang makagagamot!

Sina Isaias, Ezekiel, Moises, David, Abraham, at si Daniel ay mga pinuno o mga propeta sa mga piniling tao sa Israel. Bakit hindi sila tinawag na Diyos? Bakit hindi nagpatotoo ang Banal na Espiritu sa kanila? Bakit nagpatotoo ang Banal na Espiritu kay Jesus nang sandaling nagsimula Siya ng gawain at nagsimulang magpahayag ng Kanyang salita? At bakit hindi nagpatotoo ang Banal na Espiritu para sa iba? Sila, mga taong mula sa laman, lahat ay tinawag na “Panginoon.” Hindi alintana kung ano ang tawag sa kanila, ang kanilang gawain ay kumakatawan sa kanilang diwa at pagkatao, at ang kanilang pagkatao at diwa ay kumakatawan sa kanilang pagkakakilanlan. Ang kanilang diwa ay walang kaugnayan sa kanilang katawagan; ito ay kumakatawan sa kung ano ang kanilang ipinahayag, at kung ano ang kanilang isinasabuhay. Sa Lumang Tipan, walang hindi pangkaraniwan kung ikaw ay tatawaging Panginoon, at ang isang tao ay maaaring tawagin sa kahit na anong paraan, ngunit ang kanyang diwa at likas na pagkakakilanlan ay hindi nagbabago. Sa mga bulaang Kristo, bulaang propeta at mga mandaraya, wala ba sa mga yaon ang tinatawag ding Diyos? At bakit hindi sila Diyos? Dahil wala silang kakayahan upang isagawa ang gawain ng Diyos. Sa pinakaugat, sila’y mga tao, mga mandaraya ng tao, at hindi Diyos, kaya wala sa kanila ang pagkakakilanlan ng Diyos. Hindi ba’t si David ay tinawag ding Panginoon ng labindalawang tribo? Si Jesus ay tinawag din na Panginoon; bakit si Jesus lamang ang tinawag na nagkatawang-taong Diyos? Hindi ba’t kilala rin bilang Anak ng tao si Jeremias? Hindi ba’t si Jesus ay kilala rin bilang Anak ng tao? Bakit ipinako sa krus si Jesus alang-alang sa Diyos? Dahil ba iba ang Kanyang diwa? Hindi ba ito dahil ang gawaing Kanyang isinagawa ay iba? Mahalaga ba ang titulo? Kahit na si Jesus ay tinawag ding Anak ng tao, Siya ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos, Siya ay nakarating upang magkaroon ng kapangyarihan, at isakatuparan ang gawain ng pagtubos. Pinatutunayan nito na ang pagkakakilanlan at diwa ni Jesus ay naiiba mula sa ibang tinawag ding Anak ng tao. Ngayon, sino sa inyo ang mangangahas na magsabi na ang lahat ng mga salitang sinabi ng yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay mula sa Banal na Espiritu? Mayroon ba sa inyo ang mangangahas sabihin ang gayong mga bagay? Kapag sinabi mo ang gayong mga bagay, bakit iwinaksi ang aklat ng hula ni Ezra, at bakit ganoon din ang ginawa sa mga aklat ng mga sinaunang banal at propeta? Kung ang lahat ng iyon ay mula sa Banal na Espiritu, bakit kayo nagtatangkang gumawa ng ganoong mga pabago-bagong pagpili? Ikaw ba ay karapat-dapat na pumili ng gawain ng Banal na Espiritu? Maraming mga kwento mula sa Israel ang iwinaksi rin. At kung ikaw ay naniniwala na ang mga kasulatang ito ng nakaraan ay pawang mula sa Banal na Espiritu, sa gayon bakit iwinaksi ang ilan sa mga aklat? Kung ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu, ang lahat ng mga ito ay dapat itago, at ipadala sa mga kapatid ng mga iglesia upang basahin. Hindi dapat piliin at iwaksi ang mga ito batay sa kalooban ng tao; mali ang gawin iyon. Ang pagsabi na ang mga karanasan nina Pablo at Juan ay nakahalo sa kanilang mga sariling nakikita ay hindi nangangahulugan na ang kanilang mga karanasan at kaalaman ay mula kay Satanas, sa halip ay dahil mayroon silang mga bagay na nagmula sa kanilang mga sariling karanasan at nakikita. Ang kanilang kaalaman ay ayon sa pinagmulan ng mga aktwal na karanasan sa panahong iyon, at sino ang siguradong makapagsasabi na ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng Apat na Ebanghelyo ay nagmula sa Banal na Espiritu, kung gayon bakit si Mateo, Marcos, Lukas, at Juan ay iba't iba ang nasabi tungkol sa gawain ni Jesus? Kung hindi kayo naniniwala rito, tingnan ninyo ang mga tala sa Biblia kung paanong tatlong beses na itinanggi ni Pedro ang Panginoon: Magkakaiba silang lahat, at bawat isa ay mayroong kani-kanyang mga katangian. Maraming mga mangmang ang nagsasabing, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isa ring tao, kaya ang mga salita ba na Kanyang ipinahayag ay ganap na mula sa Banal na Espiritu? Kung ang mga salita nina Pablo at Juan ay ihinalo sa kalooban ng tao, kung gayon ang mga salita bang Kanyang ipinahayag ay hindi talaga nahaluan ng kalooban ng tao? Ang mga taong nagsasabi ng ganoong bagay ay mga bulag, at mangmang! Basahin nang mabuti ang Apat na Ebanghelyo; basahin kung ano ang kanilang itinala tungkol sa mga bagay na ginawa ni Jesus, at ang mga salitang sinabi Niya. Ang bawat ulat ay, talagang simple, kakaiba, at bawat isa ay mayroong sariling pananaw. Kung ang isinulat ng mga manunulat sa mga aklat na ito ay mula lahat sa Banal na Espiritu, kung gayon ang lahat ng ito ay dapat magkakatulad at hindi pabago-bago. Kaya bakit mayroong mga hindi pagkakaayon? Hindi ba lubhang hangal ang mga tao para hindi ito makita? Kapag ikaw ay naatasang magpatotoo sa Diyos, anong uri ng patotoo ang iyong maibibigay? Ang ganoong paraan ba ng pagkilala sa Diyos ay makapagpapatotoo sa Kanya? Kung ikaw ay tatanungin ng iba, “Kung ang mga tala nina Juan at Lucas ay ihinalo sa kalooban ng tao, ang mga salita bang sinabi ng inyong Diyos ay hindi nahaluan ng kalooban ng tao?” makapagbibigay ka ba ng malinaw na kasagutan? Matapos marinig nina Lucas at Mateo ang mga salita ni Jesus, at makita ang gawain ni Jesus, sila ay nagsalita ayon sa kanilang sariling kaalaman, dinetalye nila ayon sa kanilang mga gunita ang ilan sa mga totoong ginawa ni Jesus. Masasabi mo bang ang kanilang kaalaman ay lubos na naibunyag ng Banal na Espiritu? Sa labas ng Biblia, maraming mga espiritwal na kilalang tao na mayroong higit na matayog na kaalaman kaysa sa kanila; bakit hindi tinanggap ng mga sumunod na salinlahi ang kanilang mga salita? Hindi rin ba sila ginamit ng Banal na Espiritu? Dapat mong malaman na sa gawain ngayon, hindi Ako nangungusap ayon sa Aking nakikita batay sa saligan ng gawain ni Jesus, ni hindi rin Ako nangungusap ayon sa Aking sariling kaalaman laban sa pinagmulan ng gawain ni Jesus. Anong gawain ang isinagawa ni Jesus sa panahong iyon? At ano ang gawaing Aking isinasagawa ngayon? Anuman ang Aking ginagawa o sinasabi ay walang pamamarisan. Ang landas na Aking tinatahak ngayon ay hindi pa natahak noon, walang sinuman mula sa nakalipas na panahon at salinlahi ang tumahak dito. Ngayon, ito ay nabuksan, at hindi ba ito ang gawain ng Espiritu? Kahit na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, isinakatuparan ng mga pinuno sa nakaraan ang kanilang gawain batay sa saligan ng iba. Ngunit ang gawain ng Diyos Mismo ay iba, gayundin ang yugto ng gawain ni Jesus: Nagbukas Siya ng bagong daan. Nang Siya ay dumating, nangaral Siya ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at nagsabi na nararapat magsisi ang tao, at umamin. Nang matapos ni Jesus ang Kanyang gawain, ipinagpatuloy nina Pedro at Pablo at ng iba pa ang gawain ni Jesus. Pagkatapos maipako si Jesus sa krus at umakyat sa langit, isinugo sila ng Espiritu upang ipalaganap ang daan ng krus. Kahit na ang mga salita ni Pablo ay idinakila, ang mga ito ay batay din sa inilatag na saligan ni Jesus, katulad ng pagtitiis, pag-ibig, pagdurusa, pagtatakip ng ulo, pagbabautismo, o ang mga ibang doktrina na dapat sundin. Ang lahat ng ito ay batay sa saligan ng mga salita ni Jesus. Wala silang kakayahan upang magbukas ng bagong daan, dahil lahat sila ay mga tao na ginamit ng Diyos.

Ang mga pagbigkas at gawain ni Jesus sa panahong iyon ay hindi pinanghawakan sa mga doktrina, at hindi Niya isinagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa gawain ng kautusan ng Lumang Tipan. Ito ay ayon sa gawain na dapat isagawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Gumawa Siya ayon sa gawaing Kanyang inilahad, ayon sa sarili Niyang plano, at ayon sa Kanyang ministeryo; hindi Siya gumawa ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Wala sa Kanyang mga ginawa ang ayon sa kautusan ng Lumang Tipan, at hindi Siya dumating sa gawain upang isakatuparan ang mga salita ng mga propeta. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay hindi malinaw na isinaayos upang isakatuparan ang mga hula ng mga sinaunang propeta, at hindi Siya pumarito upang sumunod sa mga doktrina o kusang maunawaan ang mga hula ng mga sinaunang propeta. Gayon pa man, ang Kanyang mga kilos ay hindi pumigil sa mga hula ng mga sinaunang propeta, ni nakagulo ang mga ito sa gawain na nauna na Niyang naisagawa. Ang kapansin-pansing bahagi ng Kanyang gawain ay hindi ang pagsunod sa anumang doktrina, at ang pagsasagawa ng mga gawain na Siya Mismo ang dapat na gagawa. Hindi Siya isang propeta o manghuhula, kundi isang taga-gawa, na sa katunayan ay Siyang pumarito upang isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin, at upang magbukas ng bagong panahon at ipagpatuloy ang Kanyang bagong gawain. Syempre, nang dumating si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, isinakatuparan din Niya ang karamihan sa mga salita na sinabi ng mga sinaunang propeta sa Lumang Tipan. Gayon din ang gawain ngayon ay naisakatuparan ang mga hula ng mga sinaunang propeta ng Lumang Tipan. Ganoon lang, hindi Ko itinataas ang “nanilaw na lumang almanak”, iyon lang. Sapagkat marami pang mga gawain ang nararapat Kong isagawa, marami pang mga salita ang dapat Kong sabihin sa inyo, at ang gawain at mga salitang ito ay higit na mahalaga kaysa sa pagpapaliwanag ng mga talata mula sa Biblia, dahil ang gawain katulad ng ganoon ay walang malaking kabuluhan o kahalagahan para sa inyo, at hindi kayo matutulungan o mababago. Nagbabalak Ako na magsagawa ng bagong gawain hindi para maisakatuparan ang anumang talata mula sa Biblia. Kung dumating lang ang Diyos sa lupa upang isakatuparan ang mga salita ng mga sinaunang propeta sa Biblia, sa gayon sino ang mas dakila, ang Diyos na nagkatawang-tao o ang mga sinaunang propeta? Pagkatapos ng lahat, ang mga propeta ba ang namumuno sa Diyos, o ang Diyos ang namumuno sa mga propeta? Paano mo maipaliliwanag ang mga salitang ito?

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento