Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaapat na bahagi)




25. Pumaparito ang Diyos sa araw na ito sa gitna ng mga tao para sa layunin ng pagbabagong-anyo ng kanilang mga kaisipan at mga espiritu pati na rin ng imahe ng Diyos sa kanilang mga puso na taglay na nila sa loob ng libu-libong taon. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, gagawin Niyang perpekto ang tao. Iyon ay, sa pamamagitan ng kaalaman ng tao babaguhin Niya ang paraan ng pagkilala nila sa Kanya at ang kanilang saloobin sa Kanya, upang ang kanilang pagkakilala sa Diyos ay maaaring mag-umpisa mula sa isang malinis na pasimula, at sa gayon ay mapanibago at mapabagong-anyo ang kanilang mga puso.
Ang mga paraan ay pakikitungo at disiplina, habang ang mga layunin ay paglupig at pagpapanibago. Ang iwaksi ang mapamahiing mga kaisipan na namalagi sa tao tungkol sa malabong Diyos ay ang magpakailanmang naging intensyon ng Diyos, at kailan lamang ay naging bagay na nangangailangan ng dagliang pagkilos sa Kanya. Umaasa ako na higit pa itong pag-iisipan ng lahat ng mga tao. Baguhin kung paano nakakaranas ang bawa’t tao nang sa gayon sa lalong madaling panahon ay matapos ang madaliang hangarin ng Diyos at ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa lupa ay maaaring madala sa isang mabungang pagtatapos. Ipakita ang inyong katapatan gaya ng nararapat ninyong gawin, at paginhawahin ang puso ng Diyos sa huling pagkakataon. Umaasa ako na wala sa mga kapatirang lalaki at babae ang iiwas sa responsibilidad na ito o gawin lamang ito nang walang interes.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

26. Dumating ang Diyos sa katawang-tao sa panahong ito dahil sa imbitasyon, at sa liwanag ng kalagayan ng tao. Iyon ay, dumating Siya upang tustusan ang tao ng kung ano ang kinakailangan. Bibigyang-kakayahan Niya ang bawa’t tao, kahit anong kakayahan o ugali, upang makita ang salita ng Diyos at, mula sa Kanyang salita, makita ang pag-iral at kahayagan ng Diyos at tanggapin ang pagpe-perpekto ng Diyos sa kanila. Babaguhin ng Kanyang salita ang mga kaisipan at mga pagkaintindi ng tao upang ang tunay na mukha ng Diyos ay matatag na mag-ugat sa kailaliman ng puso ng tao. Ito ang tanging inaasam ng Diyos sa lupa. Kahit gaano kadakila ang kalikasan ng tao, gaano kahina ang kakanyahan ng tao, o kung paano kumilos ang tao sa nakaraan, hindi binibigyang-pansin ng Diyos ang mga ito. Ang tanging inaasahan Niya para sa tao ay ganap na mapanibago ang larawan ng Diyos na taglay nila sa kanilang mga puso at makilala ang kakanyahan ng sangkatauhan, at sa gayon ay binabago ang pangkaisipang pananaw ng tao. Inaasahan Niya na makaya ng tao na masidhing manabik sa Diyos at magkaroon ng walang-hanggang pagkapit sa Kanya. Ito lamang ang buong hinihingi ng Diyos sa tao.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

27. Ang kaalaman ng ilang libong taon sa sinaunang kultura at kasaysayan ay nagsarado nang mahigpit sa pag-iisip at mga konsepto at pangkaisipang pananaw ng tao upang hindi mapasok at hindi malusaw. Nakatira ang tao sa ikalabing-walong antas ng impiyerno, na parang itinaboy sila ng Diyos sa mga piitan, hindi kailanman makikita ang liwanag. Inábâ ng pyudal na pag-iisip ang tao na parang ang tao ay bahagya nang humihinga at naghahabol ng hininga. Wala silang kahit katiting na lakas upang lumaban at tahimik lamang na nagtitiis at nagtitiis .... Kailanman walang sinuman ang naglakas-loob na lumaban o tumayo para sa katwiran at katarungan; sila’y namumuhay lamang ng buhay, hindi higit sa isang hayop, sa ilalim ng pang-aabuso at pananalakay ng mga panginoong pyudal, taun-taon, araw-araw. Hindi kailanman naisip ng tao na hanapin ang Diyos upang matamasa ang kaligayahan sa lupa. Para bang ang tao ay itinumba, tulad ng mga nahulog na dahon sa taglagas, lanta at kulay-kape. Matagal nang nawala ang kanilang memorya at kaawa-awang nakatira sa impiyerno sa ngalan ng mundo ng tao, naghihintay sa pagdating ng huling araw upang magkasama silang mamamatay ng impiyerno, na parang ang huling araw na hinahangad nila ay ang araw na kanilang tatamasahin ang kapahingahang mapayapa. Dinala ng etikang pyudal ang buhay ng tao sa “Hades,” sa gayon mas mahina ang kakayahan ng tao na lumaban. Iba’t ibang uri ng pang-aapi ang unti-unting sapilitang naghulog sa tao nang mas malalim sa Hades at mas malayo sa Diyos. Ngayon, naging isang ganap na estranghero ang Diyos sa tao, at nagmamadali pa rin ang tao na iwasan Siya kapag sila ay nagtatagpo. Hindi Siya kinikilala ng tao at ibinubukod Siya na para bang hindi Siya kailanman nakilala o nakita. ... Tahimik na ninakaw ang tao ng kaalaman ng sinaunang kultura mula sa presensya ng Diyos at ibinigay ang tao sa hari ng mga diyablo at mga anak nito. Dinala ng Apat na Aklat at Limang mga Klasiko ang pag-iisip at mga konsepto ng tao sa ibang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang higit pang sambahin ng tao yaong mga sumulat ng mga Aklat at mga Klasiko, lalo pang pinalalawak ang kanilang mga paniwala sa Diyos. Walang awang inalis ng hari ng mga diyablo ang Diyos sa puso ng tao nang hindi nila namamalayan, habang tuwang-tuwa itong pumalit sa puso ng tao. Mula noon, naangkin ng tao ang isang pangit at masamang kaluluwa na may mukha ng hari ng mga diyablo. Pinúnô ng pagkamúhî sa Diyos ang kanilang mga dibdib, at araw-araw na kumalat sa loob ng tao ang kahalayan ng hari ng mga diyablo hanggang ang tao ay lubos na natupok. Wala nang kalayaan ang tao at hindi maaaring makalaya mula sa pagkakásabíd sa hari ng mga diyablo. Samakatwid, maaari lamang manatili ang tao sa lugar at maagaw, sumusuko rito at nalulupig dito. Matagal na nitong itinanim ang binhi ng tumor ng ateismo sa loob ng batang puso ng tao, nagtuturo ng kamalian sa tao gaya ng “mag-aral ng agham at teknolohiya, tantuin ang Apat na Modernisasyon, walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, paulit-ulit nitong ipinahayag, “Bumuo tayo ng isang magandang lupang-tinubuan sa pamamagitan ng ating masipag na paggawa,” hinihingi sa lahat na maging handa mula sa pagkabata upang magsilbi sa kanilang bansa. Walang malay ang tao na dinala sa harap nito, at walang pag-aatubili na kinuha ang karangalan (na tumutukoy sa Diyos na may hawak ng buong sangkatauhan sa Kanyang mga kamay). Hindi ito kailanman nakaramdam ng kahihiyan o nagkaroon ng pakiramdam ng kahihiyan. Bukod dito, walang kahiya-hiya nitong binihag ang bayan ng Diyos sa bahay nito, habang tumalon ito tulad ng isang daga tungo sa mesa at pinasamba ang tao dito bilang Diyos. Napakadesperado nito! Sumisigaw ito nang mga nakagigimbal na iskandalo, “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay dahil sa mga batas ng kalikasan; ang ulan ay kahalumigmigan na natitipon at bumabagsak na mga patak sa lupa; ang lindol ay pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa pandaigdig na mga pagbabago; ang tagtuyot ay dahilan sa pagkatuyo sa hangin na dulot ng nukleonik na pagkagambala sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay likas na kababalaghan. Aling bahagi ang gawa ng Diyos?” Isinisigaw pa nito ang gayong walang-kahihiyang mga pahayag: “Nagmula ang tao mula sa sinaunang mga unggoy, at ang mundo ngayon ay umunlad mula sa sinaunang lipunan na humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pagsagana o pagbagsak ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng kanyang mga mamamayan.” Sa likuran, ipinasabit nito sa tao ang sarili nito nang pabaligtad sa mga dingding at ipinalagay ito sa mesa upang maidambana at masamba. Habang sumisigaw ito ng, “Walang Diyos,” itinuturing nito ang sarili nito bilang Diyos, walang habas na itinutulak ang Diyos palabas ng mga hangganan ng lupa. Nakatayo ito sa lugar ng Diyos at kumikilos bilang ang hari ng mga diyablo. Lubos na katawa-tawa! Nagiging sanhi ito na matupok ang isa ng nakalalasong galit. Tila ang Diyos ay ang kanyang sinumpaang kaaway at ang Diyos ay hindi maipagkakasundo rito. Nagpapakánâ itong itaboy paláyô ang Diyos habang ito ay nananatiling hindi napaparusahan at nakákawálâ.13 Hari nga ito ng mga diyablo! Paano natin matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hanggang sa magambala nito ang gawain ng Diyos at iwanan itong gula-gulanit at isang ganap na kaguluhan,14 na parang nais nitong salungatin ang Diyos hanggang sa katapusan, hanggang alinman sa mamatay ang isda o mawasak ang lambat. Sinasadya nitong salungatin ang Diyos at palápít pa nang palápít. Matagal nang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha at ngayon ay lamog at bugbog15 na, sa isang kakila-kilabot na kalagayan, gayunpaman hindi humuhupa ang pagkamuhî nito sa Diyos, na parang gusto nito na makayang lamunin nang buo ang Diyos sa isang subo upang mapawi ang pagkamuhî sa puso nito. Paano natin ito titiisin, itong kinasusuklamang kaaway ng Diyos! Tanging ang pagkapuksa lamang nito at lubusang pagkawasak ang magdadala ng inaasam natin sa buhay sa katapusan. Paano ito nahahayaang magpatuloy na galit na galit? Ginawang tiwali nito ang tao sa gayong antas na hindi alam ng tao ang ningning ng langit, at naging manhid at mahina ang isip. Naiwala ng tao ang normal na pantaong pangangatwiran. Bakit hindi ialay ang buo nating pagkatao upang sirain at sunugin ito upang alisin ang nananatiling takot sa panganib at tulutan ang gawain ng Diyos na maabot ang hindi-pa-nangyayaring kaningningan sa lalong madaling panahon? Dumating ang grupo nitong mga tampalasan sa gitna ng mga tao at nagsanhi ng lubos na pagkabagabag at kaguluhan. Dinala nila ang lahat ng tao sa gilid ng isang bangin, lihim na nagpaplanong itulak sila pababa upang pagluray-lurayin at lamunin ang kanilang mga bangkay. Walang saysay silang umaasa na gambalain ang plano ng Diyos at makipagkumpitensya sa Diyos sa isang malabong-manalong sugal.16 Iyon ay tiyak na hindi madali! Nakahanda na ang krus, pagkatapos ng lahat, para sa hari ng mga diyablo na may kagagawan ng mga pinaka-kasuklam-suklam na krimen. Hindi nabibilang ang Diyos sa krus at iniwan na ito sa diyablo. Matagal nang nanalo ang Diyos at hindi na nakakaramdam ng kalungkutan sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Dadalhin Niya ang kaligtasan sa buong sangkatauhan.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

28. Mula sa itaas hanggang sa ibaba at sa simula hanggang katapusan, ginagambala nito ang gawain ng Diyos at nakikipaglaban sa Kanya. Dinala ang tao sa impiyerno ng lahat ng sabi-sabi tungkol sa sinaunang pamanang kultura, mahalagang kaalaman tungkol sa sinaunang kultura, mga turo ng “Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics” at pyudal na mga seremonya. Ang sumulong na makabagong-panahong agham at teknolohiya, pati na rin ang mayabong na industriya, agrikultura, at negosyo ay hindi nakikita, kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga pyudal na seremonya na pinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang gambalain, tutulan, at sirain ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, kundi nais nitong ganap na ubusin17 ang tao. Ang pagtuturo ng mga alituntuning pyudal na pang-kabutihang-asal at pagpapasa pababa ng sinaunang kultura ay matagal nang nakahawa sa tao at ginawa ang tao bilang mga diyablong malaki at maliit. Iilan lamang ang handang tanggapin ang Diyos at galak na galak salubungin ang pagdating ng Diyos. Puno ng pagpatay ang mukha ng tao, at sa lahat ng lugar, ang kamatayan ay nangangamoy. Nais nilang palayasin ang Diyos mula sa lupaing ito; taglay ang mga sundang at mga espada sa kamay, iniaayos nila ang kanilang mga sarili sa pakikipagbaka upang lipulin ang Diyos. Nakakalat ang mga diyus-diyosan sa buong lupain ng diyablo kung saan patuloy na tinuturuan ang tao na walang Diyos. Sa itaas ng lupaing ito kumakalat ang nakakasukang amoy ng nasusunog na papel at insenso, masyadong makapal kaya ito ay nakakapagpahabol ng hininga. Para itong amoy ng putik na sumisingaw pataas kapag bumabaluktot at pumupulupot ang ahas, at sapat na para ang tao ay magsuka. Bukod dito, mayroong bahagya lamang na maririnig na mga masasamang demonyo na bumibigkas ng kasulatan. Tila galing mula sa malayo sa impiyerno ang tunog na ito, at walang magawa ang tao kung hindi makaramdam ng ginaw pababa sa kanyang gulugod. Nakakalat ang mga diyus-diyosan sa kabuuan ng lupaing ito, na taglay ang lahat ng mga kulay ng bahaghari, kung saan ang lupain ay naging isang nakasisilaw na mundo, at nananatili ang ngisi sa mukha ng hari ng mga diyablo, na para bang ang masamang balak nito ay nagtatagumpay. Samantala, ganap na walang namamalayan ang tao rito, at hindi rin alam ng tao na sinira na siya ng diyablo hanggang sa gayong antas na siya ay naging walang-saysay at natalo. Nais nitong lipulin ang lahat ng sa Diyos sa isang iglap, upang muling insultuhin at patayin Siya nang pataksil, at nagtatangkang sirain at istorbohin ang Kanyang gawain. Paano nito tutulutan ang Diyos na maging kapantay? Paano nito natitiis ang Diyos “na sumasagabal” sa gawain nito sa mga tao sa lupa? Paano nito tutulutan ang Diyos na ilantad ang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito maaaring tulutan ang Diyos na gambalain ang gawain nito? Paanong ang diyablong ito, umuusok sa galit, ay tutulutan ang Diyos na pamahalaan ang hukuman ng kapangyarihan nito sa lupa? Paano nito maluwag na tatanggapin ang pagkatalo? Nabunyag na ang nakapopoot nitong pagmumukha kung ano talaga ito, kaya hindi alam ng isa sa sarili niya kung siya ay tatawa o iiyak, at ito ay tunay na mahirap sabihin. Hindi ba ito ang kakanyahan nito? May pangit na kaluluwa, naniniwala pa rin ito na ito ay di-kapani-paniwala ang kagandahan. Itong grupo ng magkakasabuwat! Bumababa sila sa gitna ng mga mortal upang magpakasawa sa sarap at magsanhi ng kaguluhan. Ang kanilang panggugulo ay nagsasanhi ng pagkasalawahan sa mundo18 at nagdudulot ng pagkataranta sa puso ng tao, at pinapangit nila ang tao kaya’t naging kahawig ang tao ng mga hayop na may hindi-matingnang kapangitan, hindi na nagtataglay ng katiting mang bakas ng orihinal na taong banal. Ninanais pa nilang magkaroon ng kapangyarihan bilang mga maniniil sa lupa. Hinahadlangan nila ang gawain ng Diyos upang bahagya na itong makasulong at sinasarhan doon ang tao na parang nasa likod ng mga pader ng tanso at bakal. Sa pagkakaroon ng napakaraming kasalanan at naging sanhi ng napakaraming problema, mayroon pa ba silang aasahan maliban sa maghintay ng kaparusahan? Naghuhuramentado na ang mga demonyo at mga masasamang espiritu sa lupa at nasarhan na ang kalooban at matiyagang pagsisikap ng Diyos, ginagawa ang mga yaong hindi-mapapasok. Anong mortal na kasalanan! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong ang Diyos ay hindi makadarama ng matinding galit? Sila ang sanhi ng mabigat na paghadlang at pagsalungat sa gawain ng Diyos. Masyadong mapaghimagsik! Kahit yaong mga demonyong malaki at maliit ay naging mapagmataas sa lakas ng mas makapangyarihang diyablo at nagsimulang magsikilos. Sinasadya nilang labanan ang katotohanan sa kabila ng malinaw na kamalayan dito. Mga anak ng paghihimagsik! Para bang, ngayong umakyat na ang kanilang hari ng impiyerno sa luklukang makahari, naging mayabang sila at trinato ang lahat ng iba nang may panlalait. Gaano karami ang naghahanap ng katotohanan at sumusunod sa pagkamatuwid? Silang lahat ay mga hayop tulad ng mga baboy at mga aso, pinangungunahan ang isang grupo ng mga mabahong langaw sa isang tumpok ng dumi upang ikawag ang kanilang mga ulo at magbunsod ng kaguluhan.19 Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ay ang pinakamataas sa mga hari, nang hindi napapagtantong sila ay walang-iba kundi mga langaw sa bulok. Hindi lamang iyon, gumagawa sila ng mga mapanirang puna laban sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa kanilang mga baboy at asong magulang. Ang tingin ng mga maliit na langaw sa kanilang mga magulang ay kasing laki ng balyenang may-ngipin.20 Hindi ba nila napapagtanto na sila ay maliit, gayunma’y ang kanilang mga magulang ay di-malinis na mga baboy at mga aso na isang bilyong beses na mas malaki kaysa kanilang mga sarili? Walang kamalayan sa kanilang sariling kababaan, sumusulong silang naghuhuramentado batay sa bulok na amoy niyaong mga baboy at mga aso at mayroong guni-guning ideya na magpakarami para sa hinaharap na mga henerasyon. Iyan ay ganap na kakapalan ng mukha! Taglay ang berdeng mga pakpak sa kanilang mga likuran (ito ay tumutukoy sa kanilang pag-aangkin na naniniwala sa Diyos), nagsisimula silang maging mayabang at ipinagmamalaki sa lahat ng dako ang kanilang sariling kagandahan at pagiging kaakit-akit, lihim na itinataboy paláyô ang kanilang mga karumihan tungo sa tao. Sila rin ay mayabang, na para bang ang isang pares ng mga pakpak na kulay-bahaghari ay maaaring magtakip sa kanilang sariling mga karumihan, at sa gayon inuusig nila ang pag-iral ng tunay na Diyos (ito ay tumutukoy sa tunay na kuwento ng mundo ng relihiyon). Hindi masyadong alam ng tao na, kahit na ang mga pakpak ng langaw ay maganda at nakakabighani, ito’y wala pa ring iba kundi isang maliit na langaw na puno ng dumi at nababalot ng mga mikrobyo. Sa kalakasan ng kanilang mga baboy at mga asong magulang, sumusulong silang huramentado sa buong lupa (ito ay tumutukoy sa mga relihiyosong opisyal na umuusig sa Diyos batay sa malakas na suporta mula sa bansa na nagkakanulo sa tunay na Diyos at sa katotohanan) na may nakagigimbal na kabangisan. Para bang ang mga multo ng mga Judiong Pariseo ay nakábalík kasama ang Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa kanilang lumang pugad. Nakapagsimula silang muli sa kanilang gawain ng pag-uusig, ipinagpapatuloy ang kanilang gawain na sumasaklaw sa ilang libong taon. Ang grupong ito ng masasamang tao ay tiyak na malilipol sa lupa sa katapusan! Lumalabas na, pagkatapos ng ilang libong taon, ang mga karumaldumal na espiritu ay naging mas tuso pa at mandaraya. Patuloy silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sila ay matalino at tuso at nais ulitin sa kanilang lupang-tinubuan ang trahedya ng ilang libong taong nakaraan. Halos mapasigaw dito ang Diyos, at bahagya na Niyang mapigil ang Sarili Niya sa pagbabalik sa ikatlong langit upang lipulin sila. Upang maibig ng tao ang Diyos, dapat niyang maunawaan ang Kanyang kalooban at Kanyang kagalakan at kalungkutan, pati na rin kung ano ang kinasusuklaman Niya. Mas mahusay nitong maisusulong ang pagpasok ng tao. Mas mabilis ang pagpasok ng tao, mas higit na nasisiyahan ang puso ng Diyos; mas malinaw ang pagtalos ng tao sa hari ng mga diyablo, mas lalong mapapalapit ang tao sa Diyos, upang ang Kanyang ninánasà ay matupad.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

29. Nasábi ko na nang maraming beses na ang gawain ng Diyos sa huling mga araw ay upang baguhin ang espiritu ng bawa’t tao, upang baguhin ang kaluluwa ng bawa’t tao, nang sa gayon ang kanilang puso, na nagdusa ng matinding pagkadálâ, ay mabago, sa gayon ay nasasagip ang kanilang kaluluwa, na matinding napinsala ng kasamaan: ito ay upang gisingin ang espiritu ng mga tao, upang tunawin ang kanilang malamig na mga puso, at tulutan silang maging bata muli. Ito ang pinakadakilang kalooban ng Diyos. Isantabi ang sabí-sabí tungkol sa kung gaano katayog o kalalim ang buhay at mga karanasan ng tao; kapag nagising ang puso ng mga tao, kapag nagising na sila mula sa kanilang mga panaginip at nalaman nang husto ang pinsalang idinulot ng malaking pulang dragon, matatapos na ang gawain ng ministeryo ng Diyos. Ang araw na tapos na ang gawain ng Diyos ay kung kailan din kapag opisyal nang nagsisimula ang tao sa landas ng tamang paniniwala sa Diyos. Sa panahong ito, dumating na sa katapusan ang ministeryo ng Diyos: Ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na naging katawang-tao, at opisyal nang magsisimula ang tao na gampanan ang tungkulin na nararapat niyang gampanan—gagampanan niya ang kanyang ministeryo. Ang mga ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kaya, dapat ninyong kapáín ang inyong landas sa pagpasok salig sa pag-alam ng mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay ang dapat ninyong maunawaan.

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

13. “Nananatiling hindi napaparusahan at nakákawálâ” ay nagpapahiwatig na nagwáwalâ at naghuhuramentado ang diyablo.

14. “Isang ganap na kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paanong hindi kayang tiisin ng mga tao ang marahas na asal ng diyablo.

15. “Lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo. 

16. “Isang malabong-manalong sugal” ay isang metapora para sa mga mapanlinlang at napakasamang pakánâ ng diyablo. Ito ay ginagamit nang pakutya.

17. “Ubusin” ay tumutukoy sa marahas na asal ng hari ng mga diyablo, na nandarambong sa mga tao sa kanilang kabuuan.

18. “Pagkasalawahan sa mundo” ay nagpapahiwatig na kung ang isang tao ay mayaman at makapangyarihan, nanunuyo ang mga tao sa kanila, at kung wala ni isang pera at walang kapangyarihan ang isang tao, hindi sila pinapansin ng mga tao. Ang pariralang ito ay tumutukoy sa kawalan ng katarungan sa mundo.

19. “Magbunsod ng kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paano naghahasik ng kaguluhan ang mga taong mala-diyablo, hinahadlangan at tinututulan ang gawain ng Diyos.

20. “Balyenang may-ngipin” ay ginamit nang pakutya. Ito ay isang metapora patungkol sa kung gaano kaliit ang mga langaw kaya ang mga baboy at aso ay nagmumukhang sinlaki ng mga balyena para sa kanila.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento