Ipinapakita ang mga post na may label na Paghatol sa mga Huling ArawIpakita lahat
Sa mga huling araw, ipinapahayag lamang ng Diyos ang mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ang prosesong ito lamang ng pagpapailalim sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos sa mga huling araw gayundin ang mapadalisay at maperpekto ng Diyos, at sa huli ay matamo ang katotohanan bilang buhay natin mismo, ang tunay na pagdalo sa piging kasama ang Panginoon.
Tanong 5: Nagpatotoo kayo na ang Diyos ay nagkatawang-tao muli bilang Anak ng tao at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos. Ganap nga itong alinsunod sa propesiya ng Biblia, pero di ko maintindihan: Ang paghatol na nagmula sa tahanan ng Diyos pareho ba ng sa dakilang puting trono ng paghatol na nasa Aklat ng Pahayag? Sa aming palagay ay pinatatamaan ng puting trono ng paghatol ang mga hindi mananampalataya na pag-aari ng diyablo na si Satanas. Pag dumating na ang Panginoon, ang mga mananampalataya ay dadalhin sa langit, at saka Siya magpapadala ng kalamidad upang malipol ang mga hindi mananampalataya. Iyan ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono. Nagpatotoo kayo sa simula ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pero di pa namin nakita na nagpadala ng kalamidad ang Diyos upang malipol ang mga hindi mananampalataya. Kaya papaano ito maging paghatol ng dakilang puting trono? Ano ba talaga ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw? maaari mo bang sabihin sa amin ito ng mas malinaw.
III. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw