Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos

Una, tingnan natin ang mga talata sa kasulatan na naglalarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”

(Gen 19:1-11) At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila’y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo’y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo’y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. At kaniyang pinakapilit sila; at sila’y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila’y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. Datapuwa’t bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga’y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila’y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila’y nangasa silong ng aking bubungan. At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito’y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga’y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. Datapuwa’t iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan. At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti’t malaki: ano pa’t sila’y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.



(Gen 19:24-25) Nang magkagayo’y nagpaulan si Jehova sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Jehova na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.

Mula sa mga talatang ito, hindi mahirap na makita na ang kasalanan at katiwalian ng Sodoma ay umabot na sa kalagayang kasuklam-suklam sa parehong tao at Diyos, at sa mga mata ng Diyos, nararapat lamang na gunawin ang lungsod. Ngunit ano ang nangyari sa loob ng lungsod, bago ito wasakin? Ano ang maaari matutuhan ng mga tao mula sa mga pangyayaring ito? Ano ang ipinakikitang damdamin ng Diyos sa mga pangyayaring ito sa mga tao tungkol sa Kanyang disposisyon? Upang maunawaan ang buong kuwento, maingat nating basahin ang nakasulat sa Kasulatan…

Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos

Nang gabing iyon, tinanggap ni Lot ang dalawang mensahero mula sa Diyos at ipinaghanda sila ng makakain. Pagkatapos maghapunan, bago sila matulog, pinalibutan ng mga tao sa lungsod ang tirahan ni Lot at tinawag nang pasigaw si Lot. Ang sigaw nila ayon sa Kasulatan, “Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila.” Sino ang nagsabi sa mga salitang ito? Para kanino ang sinabing ito? Ito ang sinabi ng mga tao sa Sodoma, na nagsisigaw sa labas ng bahay ni Lot, at ito ay para kay Lot. Ano kaya ang mararamdaman kapag narinig ang ganitong mga salita? Galit ka ba? Makakasakit ba ang mga salitang ito sa iyo? Magpupuyos ka ba sa galit? Hindi kaya pahiwatig kay Satanas ang mga salitang ito? Sa pamamagitan nito, nararamdaman mo ba ang kasamaan at kadiliman sa lungsod na ito? Sa kanilang mga salita, nararamdaman mo ba ang kalupitan at kabangisan sa pag-uugali ng mga taong ito? Nararamdaman mo ba ang malalang katiwalian sa kanilang ikinikilos? Sa pamamagitan ng nilalaman ng kanilang sinabi, hindi mahirap makita na ang kalikasan ng kanilang pagiging makasalanan at malupit na disposisyon ay nakaabot na sa antas na hindi na nila makontrol. Bukod kay Lot, lahat ng tao sa lungsod na ito ay walang pagkakaiba kay Satanas; ang makita lamang ang ibang tao ay umudyok na sa mga tao na saktan at lipulin sila…. Ang mga bagay na ito ay hindi lamang nakapagbibigay sa isang tao ng pakiramdam sa nakakatakot at nakakasindak na kalikasan ng lungsod, kundi pati ang anino ng kamatayan sa paligid nito; nagpapahiwatig din ito ng kasamaan at pagkauhaw sa dugo.


Habang natagpuan niya ang kanyang sarili kaharap ng grupo ng mga taong may masasamang-loob, mga taong punong-puno ng karumal-dumal na mithin, paano tumugon si Lot? Ayon sa Kasulatan: “Ipinamamanhik ko sa inyo … huwag kayong gumawa ng ganyang kasamaan. Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila’y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila’y nangasa silong ng aking bubungan.” Ang ibig sabihin ni Lot sa kanyang mga salita: Handa niyang ibigay ang kanyang dalawang anak na babae sa mga tao upang pag-ingatan ang mga mensahero. Sa ganitong dahilan, dapat sana’y pumayag na ang mga tao sa mga kundisyon ni Lot at iwan na ang mga mensahero; lalo pa nga, hindi naman talaga nila kilala ang mga mensahero, at tuwirang walang kinalaman sa kanila; hindi man lamang nasaktan ng mga mensahero na ito ang kanilang mga kawilihan. Ngunit dahil sa udyok ng kalikasan ng kasalanan, hindi nila iniwan ang bagay na ito. Sa halip, pinatindi lamang nila ang kanilang pagnanais. Ito pa ang isa nilang pag-uusap na walang pag-aalinlangan na makapagpapalinaw sa tunay na masamang kalikasan ng mga taong ito; gayun din naman, dito malalaman at mauunawaan ng tao ang dahilan kung bakit nais ng Diyos na gunawin ang lungsod na ito.

Kaya ano ang sumunod nilang sinabi? Ang sabi sa Biblia: “At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito’y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga’y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.” Bakit nais nilang sirain ang pinto? Ang dahilan ay nasasabik lamang silang saktan ang dalawang mensahero na iyon. Ano ang ginagawa ng mga mensahero na ito sa Sodoma? Ang layunin nila sa pagpunta doon ay upang sagipin si Lot at ang kanyang pamilya; ngunit nagkamali ang mga tao ng isipin na dumating sila upang gumanap ng mga opisyal na tungkulin. Dahil hindi nila tinanong ang kanilang pakay, tanging haka-haka lamang ang dahilan kaya gustong saktan ng mga tao ang dalawang mensahero; nais nilang saktan ang dalawang tao na wala namang kinalaman sa kanila. Maliwanag na nawala nang lubusan ng mga mamamayan ng lungsod na ito ang kanilang pagkatao at katuwiran. Ang antas ng kanilang kabaliwan at pagkamabagsik ay wala nang ipinagkaiba sa kalikasan ng kasamaan ni Satanas na nananakit at lumilipol sa mga tao.

Nang hilingin nila ang mga taong ito kay Lot, ano ang ginawa ni Lot? Mula sa mga talata, alam nating hindi sila ibinigay ni Lot. Kilala ba ni Lot ang dalawang mensahero na ito ng Diyos? Siyempre hindi! Ngunit bakit niya nagawang iligtas ang dalawang ito? Alam ba niya kung ano ang kanilang gagawin kaya sila dumating? Bagaman hindi niya alam ang dahilan ng kanilang pagdating, alam niya na mga lingkod ng Diyos ang mga ito, kaya tinanggap niya sila. Ang kanyang pagtawag sa mga lingkod ng Diyos na panginoon ay nagpapakita na isang tagasunod ng Diyos si Lot, hindi katulad ng ibang nasa loob ng Sodoma. Kaya nang dumating sa kanya ang mga mensahero ng Diyos, ibinuwis niya ang kanyang sariling buhay upang tanggapin ang dalawang lingkod; at gayun din, ipinagpalit niya ang kanyang dalawang anak na babae upang ingatan ang dalawang lingkod. Ito ang matuwid na ginawa ni Lot; ito rin ang nakikitang pagpapahayag ng kalikasan at diwa ni Lot, at ito rin ang dahilan kaya isinugo ng Diyos ang Kanyang mga lingkod upang iligtas si Lot. Nang maharap sa panganib, iningatan ni Lot ang dalawang lingkod na ito na walang ibang inaalala; tinangka pa niyang ipagpalit ang kanyang dalawang anak na babae para sa kaligtasan ng mga lingkod. Bukod kay Lot, mayroon pa kayang ibang tao sa lungsod na kayang gawin ang ganito? Tulad ng pinatunayan ng pangyayari–wala! Kaya, sinabi na ang bawat isa sa loob ng Sodoma, bukod kay Lot, ang puntirya ng pagkawasak at gayun din ang puntirya na karapat-dapat na mawasak.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento