Ang Paghusga sa Panlabas na Anyo ay Walang Katotohanan Lamang


YifanSiyudad ng Shangqiu, Probinsiya ng Henan

Sa nakaraan, madalas kong hinusgahan ang mga tao sa kanilang mga hitsura, mas hinahangaan ang kahali-halina, nakapag-aral at mahusay magsalitang mga tao. Naniwala akong ang gayong mga tao ay matalino, mahusay umunawa ng kapwa at mabuti at mabait sa pangkalahatan. Kamakailan lang, habang nalalantad ang realidad, naiwasto ko ang walang katotohanang paraan ng pag-iisip na ito.

Isang gabing malapit nang magtakipsilim, bumalik ako sa bahay ng tinutuluyan kong pamilya para tingnan ang isang kabataang naka-amerikana at sapatos na balat na eleganteng magsalita at magdala ng sarili. May suot din siyang salamin sa matang pino ang pagkagawa, na dumagdag sa kilos niyang edukado at matalino. Ipinakilala kami ng kasera ko sa isa’t isa at sinabihan akong anak niya ang kabataang lalaki at kasalukuyang siyang nagtratrabaho bilang opisyal sa munisipyo ng isang malaking siyudad. Mula sa mahirap na pinanggalingan at huminto sa pag-aaral sa murang edad, nakaramdam ako ng matinding inggit sa kanyang eleganteng pananamit, aral na pang-akit, huwag na banggitin pa ang kanyang abanteng pinagtapusan sa isang tanyag na institusyon at labis na kagalang-galang na empleyo. Iyon talaga ang unang pagkakataon kong nakakilala ng taong may gayong pang-akit at talino. Naisip ko sa sarili ko, ang taong may gayong edukasyon at nasa gayong kataas na kalagayan at pag-aaral ay tiyak na palakaibigan, makatao at makatwiran. Sa gayong kaisipan, nagsimula akong makipagtalakayan tungkol sa pananampalataya sa kabataang lalaki, pero medyo kabaligtaran sa inaasahan ko ang reaksiyon niya. Nagmamadali siyang tumayo at hinampas ang kanyang kamao sa mesa habang sumisigaw, “Umalis ka rito ngayon din! Kung hindi ka umalis sa kagyat na ito tatawag ako ng pulis!” Pagkasabi, inilabas niya ang kanyang cellphone at nagsimulang pindutin ang 110. Mabilis kong sinubukang makipagkasundo, nagsasabing, “Kaibigan ko, sigurado akong hindi ka talaga tatawag ng pulis, nagbibiro ka lang.” Gayunman, nanatili siyang matigas at ipinilit na umalis agad ako. Labis akong nablangko at hindi alam ang susunod kong gagawin. Pagtingin ko sa relo halos ika-10 na ng gabi, kapag umalis ako ngayon saan ako matutulog? Sa sandaling iyon, sabi ng tinutuluyan ko, “Gabi na, puwedeng bukas ka na umalis.” Sa sandaling nakita ng anak na lalaki ng tinutuluyan ko na plano kong manatili nang gabing iyon, pinatindi niya ang pagsisikap, literal na itinutulak at kinakaladkad ako palabas ng pinto, habang sumisigaw, “Paanong ako, isang kadre ng gobyerno at nakikinabang sa pondo ng publiko, ay magpapahintulot ng isang misyonero sa tahanan ko? Umalis ka rito ngayon din!” Pagkasabi nito, galit na galit niyang pinulot ang bisikleta ko at ihinagis sa akin at pagkaraan itinulak ako at ang bisikleta ko palabas ng pintuan. Sinundan ako ng aking kasera na may balak na samahan ako sa bahay ng ibang pamilyang kumukupkop na nagpapatuloy, pero hindi siya pinayagan ng anak niyang lalaki, hinatak siya papasok at ikinandado ang pinto. Habang umaalis ako, narinig kong umiiyak ang kasera ko, “Saan mo inaasahang pumunta ng gabi ang isang batang babae nang mag-iisa?” “Hayaan siyang pumunta kung saan siya pupunta—kasama niya ang pangangalaga ng Diyos wala siyang dapat ikatakot, hindi ba?” Pasigaw siyang sumagot, napaiyak ang kasera pabalik sa loob ng bahay.

Nakatulala sa kumukutitap na mga bituin sa kalangitan sa gabi at nagliliwanag na mga ilaw sa harapan ng mga kotse na umuugong sa kalsada, nalungkot ako at nalumbay. Umaapaw ang hinaing sa puso ko: Kung ayaw mong tumira ako sa bahay mo, huwag, pero walang dahilan para pigilan mo ang kasera ko na dalhin ako sa ibang pamilyang kumukupkop. Paano ka naging sobrang di-makatao, sobrang mapanira! Kahit ang isang pulubi hindi dapat tratuhin sa ganitong paraan! Wala akong ideya kung nasaan ang ibang pamilyang kumukupkop at maiiwan ako nang walang mapupuntahan sa kalaliman ng gabi. Ano ang dapat kong gawin? … Sa mga iniisip na itong dumadagundong sa ulo ko, napaiyak ako. Sa sandaling iyon, ang pinong impresyon ko sa pang-akit, kaalaman, katayuan at edukasyon ng anak na lalaki ng kasera ko ay lubusang nabura. Naisip ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Nasaan ang mabubuting tao sa ngayon? Kung walang pagkakatulad sa tao, paano ka tatawaging isang tao? Hindi pinag-uusapan ang mabubuting tao. Ang mga tao ay mayroon lamang panlabas na balat ng tao at walang diwa ng tao. Hindi kalabisang sabihin na ang mga tao ay mga hayop na nakadamit ng pantao” (“Pagkaunawa sa mga Pagkakatulad at mga Pagkakaiba sa Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Naisip ko ang pagsasamahan ng tao kung saan sinabi, “Bakit natin tatawaging tunay na mabuting tao silang lumalaban o nagpaparusa sa Diyos? Mula nang tiniwali ni Satanas ang tao, naging eksperto na siya sa pagbabalatkayo at pagtatakip sa sarili niya ng pilosopiya ng buhay. Sa labas, mukha siyang tao, pero kapag may nagsimulang magpatunay sa Diyos, nalalantad ang masamang kalikasan niya. Kaunti ang nakakabatid nito, kaya madalas silang mabulagan o maloko ng mga karaniwang bukambibig at kabaitan ng iba. Ang mga salita at gawa ng Diyos ang pinakamahusay na naglalantad sa tao. Silang walang katotohanan ay mga ipokrito lang. Silang nakakaunawa sa katotohanan ay makikita nang malinaw ang usaping ito. Silang hindi nakakaunawa sa katotohanan ay mabibigong makakita nang malinaw at bilang resulta nalalantad ang kanilang walang katotohanang pagtanaw sa lahat” (“Ang Pangunahing Pagbabago sa Pananaw Ay isang Palatandaan ng Tunay na Pagkaintindi sa Katotohanan” sa Mga Piling Salaysay ukol sa mga Pagsasaayos ng Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos). Nililimi ang mga salitang ito, nagkaroon ako ng kagyat na pagkatanto. Tunay, sinabi ng Diyos na walang totoong mabuting tao sa sekular na mundo: Hindi ito puwedeng maging mas totoo. Dahil Diyos lamang ang puwedeng makakita sa tunay na kalikasan ng tao. Ibinubunyag ng Diyos ang tunay na kalikasan ng sangkatauhan. Ako, gayon man, ay hindi naniwala sa salita ng Diyos, hindi tiningnan ang kapwa alinsunod sa salita ng Diyos, kundi gumamit ng sariling imahinasyon at sekular na pananaw sa mundo para husgahan ang kapwa. Lagi kong inakala na ang mga iyon na may karunungan, katayuan at edukasyon ang tiyak na makatao, may katwiran at pag-unawa sa kapwa. Walang katotohanan ang pagtanaw ko. Kakaunti ang alam ko, silang hindi naniniwala sa Diyos ang mga demonyong lumalaban sa Diyos. Sa panlabas maaari silang magmukhang edukado at kaakit-akit, pero sa loob masama sila sa kaibuturan at hindi makatao. Ang pagtingin ng opisyal ng gobyernong ito sa pananampalataya at mga nananampalataya ay isang perpektong halimbawa. Sa ibabaw, mayroon siyang pang-akit, husay sa pagsasalita, at kultura, pero sa sandaling nagbukas ako tungkol sa usapin ng pananampalataya, lubusang niyang nawala ang mga ito. Sa pagbibintang sa akin, pagpapalayas sa akin at pagbabanta sa akin, lubusan niyang ibinunyag ang kanyang satanikong kalikasan. Sa harap ng mga katunayang ito, natanto ko na walang mabuting tao sa mga tiwaling tao. Sa pamamagitan lamang ng pagdanas sa gawain ng Diyos, pagtanggap sa pagkastigo at paghusga ng Diyos at sa gayon makamit ang pagbabago ng disposisyon, pagkakaroon ng normal na pagkatao, rasyonalidad, at pagkatutong tunay na sumamba at sumunod sa Diyos maaaring ang isa ay maging isang tunay na tao. Kung ang isang tao ay kulang ng katotohanan, gaano man siya katalino, kataas ang katayuan, kaakit-akit, o kaeduakdo, demonyo pa rin ang puso niya.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, natanto ko na hindi ko nakikita ang mga tao sa kung sino sila talaga, kundi ibinabatay ko ang paghusga ko sa kanilang hitsura. Gaanong kahabag-habag, gaanong kamangmang ako. Nabunyag na kahit maraming taon na akong sumusunod sa Diyos, hindi ko pa rin naunawaan ang katotohanan at tiyak na kailangan pang makamtan ang katotohanan. Dahil sila lamang na may katotohanan ang kayang makita sa kaibhan ng tao at makakita sa tunay na kalikasan ng mga sitwasyon; yaong hindi nakakaunawa sa katotohanan ay hindi maaaring makakita sa tunay na kalikasan ng anuman. Sa hinaharap namamanata akong ilalaan ang sarili ko sa paghahangad na maunawaan ang katotohanan at makamtan ang katotohanan, matutunan kung paano makita ang kaibhan ng mga tao at mga sitwasyon sa pamamagitan ng salita ng Diyos, iwasto lahat ng mga pagtanaw kong walang katotohanan at magsikap na matamo na maging isang katugma ng Diyos.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento