Mga Patotoo sa Kaligtasan|Paglaya Mula sa Bitag ng Usap-usapan

Pastor,paniniwala,Kristiyano,

Ni Xiaoyun, Tsina

Ako ay dating babaeng opisyal ng sandatahang-lakas. Isang araw noong 1999, ipinangaral ng isang Koreanong pastor ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa akin. Dahil sa aking taimtim na paghahabol, ‘di nagtagal ay naging tampok ako ng pagsasanay ng pastor at pangunahing katu-katulong niya. Sa tag-araw ng 2000, dumating ang pastor sa Yunnan sa isang maigsing pagmimisyon sa tag-araw kasama ng mahigit sa isang dosenang estudyante sa kolehiyo mula sa Iglesia ng Ebanghelyo ng Korea. Sa hindi inaasahan, nakaalarma ito sa pamahalaan ng CCP. Kami ay inaresto habang nagdaraos ng pagpupulong sa tahanan ng pastor at pagkatapos ay dinala sa Yunnan Province Public Security Department para tanungin. Ang mga estudyanteng Koreano ay pinabalik sa kanilang bansa nang gabi ring iyon at ang Koreanong pastor ay pinatalsik din sa bansa. Naranasan ng iglesia ang pag-uusig ng CCP, at maraming mga mananampalataya ang natakot at hindi nangahas manampalataya.
Ang isang bahagi ng mga mananampalataya ay pinilit ding magpunta sa Iglesia ng Tatlong-Sarili, at ganito ang paraan kung paano pinagwatak-watak ng CCP ang iglesia. Ako ang pangunahing kamanggagawa sa iglesia at ang pag-uusig ng CCP sa panahong ito ay naging sanhi rin upang mawalan ako ng trabaho.

Noong Marso 2005, napakinggan ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang nalaman ko na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, nasabik ako nang labis kaya napuno ng luha ng kagalakan ang aking mga mata at nakadama ako ng hindi-maipaliwanag na pasasalamat. Gusto ko lamang dalhin ang aking mga kapatid sa harap ng Diyos sa lalong madaling panahon na magagawa ko. Sa ilalim ng paggabay ng Diyos, isa-isang tinanggap ng aking mga kapatid ang gawain sa mga huling araw ng Diyos. Nguni’t sa hindi inaasahan, ang isa sa pinakamahusay na kamanggagawa ng iglesia, pagkatapos marinig ang patotoo ng gawain sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos, ay nagdeklarang: “Mukhang tama ang doktrinang ito, nguni’t kailangan muna nating tanungin ang pastor at tingnan kung ano ang kanyang masasabi.” Hindi nagtagal, tinawagan ako ng pastor at sinabing, “Masyadong magulo sa labas ngayon. Hindi ka naniwala sa Diyos sa mahabang panahon at ang iyong katayuan ay maliit. Anuman ang gawin mo, huwag kang basta-basta na lamang makikinig sa mga sermon sa labas ng iglesia, at sa gayon hindi ka maliligaw. Matatanggap lamang natin ang pagpapastol ng iglesiang ito. Huwag kang makikinig sa mga paraan na ipinangangaral ng ibang mga iglesia.” Pagkatapos makinig, mahinahon kong sinabi, “Sa buong panahong ito ng pag-aaral sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakita ko na ang lahat ng kanilang ipinangangaral ay naaayon sa Biblia, taglay ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu at ito ang tunay na daan.” Sinabi ng aking pastor, “Gaano man sila kahusay mangaral, dapat nating maunawaan na tanging ang Panginoong Jesus ang tunay na Diyos. Hindi natin dapat iwanan ang Panginoon!” Mariin kong sinabi, “Hindi ko iniwan ang Panginoon, bagkus ay sinusundan ko ang mga yapak ng Kordero. Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na. Tama lamang na salubungin natin ang Panginoon kagaya lamang ng matatalinong dalaga.” Pakutyang sinabi ng pastor, “Paanong hindi alam ng Iglesia ng Ebanghelyo ng Korea na nagbalik na ang Panginoon?” Sinabi ko, “Hindi ito isang bagay na naipapaliwanag sa ilang mga salita.” Mahusay na iginiit ng pastor na, “Ang pinaniniwalaan nila ay sa Kidlat ng Silanganan, na siyang pakay ng paghahanap ng pamahalaan ng CCP. Ipinaliwanag itong mabuti sa Internet. Mag-online ka, at makikita mo. Kailangan mong mag-online upang tiyakin….” Pagkababa ng telepono, ang aking puso ay hindi mapakalma sa mahabang sandali. Nagsusumiksik sa tainga ko ang mga salita ng pastor. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang sinasabi sa online.

Upang malaman ito, kaagad akong tumakbo sa Internet café. Sa sandaling nabuksan ko ang mga website, ako ay natulala. Naroroon sa mga website ang napakaraming kalapastanganan at pagkondena ng pamahalaan ng CCP sa Diyos, gayundin ang paninirang-puri at pagsalangsang mula sa mga kilalang tao ng relihiyon na may awtoridad. Nagkaroon ako ng mga pagdududa: Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay hindi nasasambit ng kahit sino na lamang. Ang mga ito ay ang pagpapahayag ng Espiritu ng katotohanan. Ito ay isang katunayan na kinikilala ng maraming tao mula sa magkakaibang denominasyon na tapat na naniniwala sa Panginoon at nasasabik sa katotohanan. Nguni’t bakit sinisimulan ng mga website ang mga usap-usapan upang itatwa ng mga tao ang Makapangyarihang Diyos? Marami ring tanyag na mga pastor ang kumokondena at lumalapastangan din sa Diyos kasama ng pamahalaan ng CCP. Ano ang nangyayari dito? Pagkakita sa lahat ng negatibong propagandang ito, nakadama ako ng nakalilitong pag-aatubili. Pagkatapos noon, nakita ko ang pagtuligsa sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa online. Muli na

namang nanlumo ang aking puso. Naniwala ba talaga ako sa isang tao? Habang patuloy kong pinapasadahan ang mga impormasyon sa Internet, lalo akong nalito at masyadong naguluhan at nagulumihanan kaya’t, sa bandang huli, wala akong ideya kung paano akong nakaalis sa Internet café.

Habang papauwi, naalala ko ang lahat ng sandali na ginugol ko sa paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa bawa’t pagkakataong ako ay nagtatanong, binabasa ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga salita ng Diyos sa akin. Ang bawa’t usapin ay nalulutas nang sunud-sunod at ganap akong nakumbinsi. Inabot ng buong labing-isang araw ng debate at pagsisiyasat bago ako talagang naniwala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Nagbasa rin ako ng ilang mga salita ng Diyos. Naihahayag ng Diyos ang lahat ng mga misteryo ng tatlong yugto ng gawain at ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, at nalilinaw rin Niya ang mga katotohanan kagaya ng panloob na kuwento at ang pinakadiwa ng Biblia, alin ang mga salita ng Diyos at alin ang mga salita ng mga tao sa Biblia, at kung paano dapat tratuhin ng mga tao ang Biblia. Nang mabasa ko ang mga bagay na ito, ang lahat ay naging malinaw at nagkamit ako ng malaking pakinabang. Mula sa mga salitang ito ng Diyos, nakita ko na dapat ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik. Nguni’t bakit ang propaganda sa Internet ay negatibong lahat? Habang iniisip ko ang tungkol sa mga usap-usapang iyon, lalong nanlumo at bumigat ang aking puso, at muntik na akong mahagip ng kotse habang patawid ako sa kalsada.

Pagkabalik sa bahay, hindi talaga kumalma ang puso ko at ang mga usap-usapan sa Internet ay nagsusumiksik sa isipan ko paminsan-minsan at nanatili roon. Nalungkot ang aking puso habang iniisip ko ang isang bagay at pagkatapos ay isa pa. Hindi ako makatulog ng gabing iyon, at naisip ko: “Kung tatahakin ko ang maling landas, hindi ba kung gayon mawawalan ng kabuluhan ang aking pananampalataya? Hindi, kailangan kong bumalikwas kaagad. Nguni’t paano kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus? Hindi ba ako kung gayon mawawalan ng pagkakataon na salubungin ang Panginoon at mawawalan ako ng pagkakataon na maligtas?” Habang nag-aalinlangan ako nang paulit-ulit, lumapit ako sa harap ng Diyos sa pananalangin: “O Diyos! Buhat pa nang tanggapin ko ang hakbang na ito ng gawain, laging payapa ang aking puso, kinagigiliwan ko ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos at ang aking kaluluwa ay nabubusog. Nguni’t pagkatapos makita ang ilang negatibong propaganda sa Internet, hindi ako mapakali. Pakiusap bantayan ang aking puso. O Diyos! Ang katayuan ko ay maliit at hindi ko alam kung paano unawain ang mga bagay na ito. Kung ang Makapangyarihang Diyos ay Ikaw talaga na nagbalik, kung gayon ay hinihiling ko sa Iyo na gabayan Mo ako na makatiyak sa Iyong gawain nang hindi magagambala ng sinuman o ng anuman. Kung hindi naman, hinihiling ko na gabayan mo ako na makaunawa….” Pagkatapos manalangin, isang ideya ang dumating sa aking puso: Ang tapusin kaagad ang pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang malaman kung ito ay tinig ng Diyos o hindi. Nang gabing iyon, magdamag akong nagbasa ng mga salita ng Diyos at hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog sa mesa.

Maaga kinabukasan, nagising ako sa isang katok sa pinto at pupungas-pungas kong binuksan ito. Si kapatid na Wu pala na umakay sa akin. Nakita niya na parang inaantok ako at tinanong kung ano ang nangyari na alalang-alala. Sinabi ko, “Nag-online ako kahapon at nakita ko ang napakaraming mga bagay na tumututol at lumalapastangan laban sa Diyos, at ngayon naguguluhan ako nang husto….” Pagkarinig nito, nagbahagi sa akin ang kapatid na Wu: “Kapatid, lubos mong nalalaman ang pagtingin ng pamahalaan ng CCP sa mga Kristiyano. Naaaresto nila at nauusig ang hindi mabilang na mga Kristiyano. Ito ay isang masakit na katunayan. Ang mga usap-usapan sa online ay gawa-gawang lahat ng pamahalaan ng CCP upang usigin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang kanilang layunin ay supilin ang gawain ng Diyos at itatag ang isang ateistikong lugar sa Tsina at huwag hayaan ang mga tao na sumunod o sumamba sa Diyos. Kapatid, ang CCP ay isang ateistikong pamahalaan. Napaniniwalaan ba natin ang kanilang sinasabi?” Ang sinabi ng kapatid ay napapanahong paalala. Tama! Ang CCP ay ateista. Sila ang mga lubos na napopoot at tumututol sa Diyos. Paano napaniniwalaan ninuman ang sinasabi nila? Ang CCP ay nagtatago sa ilalim ng bandilang “kalayaan ng relihiyon,” nguni’t sa likod ng mga pangyayari, walang-pakundangan na pinipilit at inaaresto nila ang mga tao na naniniwala sa Diyos. Naisip ko kung paanong napilit at naaresto ng pamahalaan ng CCP ang mga nasa iglesia namin noong una at kung ilang kapatid ang nawalan ng pananampalataya at hindi nangahas na maniwala, at naisip ko kung paano ako nawalan ng trabaho dahil dito—hindi ba ito ang pagtrato ng pamahalaan ng CCP sa mga taong naniniwala sa Diyos? Upang higpitan ang paniniwalang panrelihiyon, itinatag ng CCP ang Iglesia ng Tatlong-Sarili at hiniling sa mga tao na “mahalin ang estado” muna at pagkatapos ay “mahalin ang relihiyon.” Ang kanilang layunin ay kontrolin nang husto ang mga tao sa kanilang mga kamay at higpitan ang kalayaan ng pananampalataya ng mga tao. Nang maisip ko ang ganito, natalos ko nang kaunti ang tungkol sa kasuklam-suklam na mga layunin ng CCP. Palaging nauusig ng pamahalaan ng CCP ang mga paniniwalang pangrelihiyon at kinokondena ang tunay na daan. Kaya ang paglikha nila ng mga usap-usapan at pagkondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay hindi ba isang matinding pagbubunyag ng kanilang mala-satanas na kalikasan ng pagkapoot sa Diyos at paglaban sa Diyos?

Si kapatid na Wu ay nagpatuloy sa pagbabahagi sa akin: “Ang pamahalaan ng CCP ay isang ateistiko at mala-satanas na rehimen at ang kalaban ng Diyos. Upang makamit ang marahas nitong ambisyon ng pamalagiang pagkontrol sa mga tao, buong-sama nitong pinipilipit ang itim tungo sa puti upang kondenahin at siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagagawa nating pag-ibahin ito nang husto. Nguni’t paano nasusunod ng mga relihiyosong pastor at nakatatanda ang ateistang rehimen sa pagtutol, pagkondena, at paglapastangan sa Diyos? Hindi naiintindihan ng karamihan sa mga tao ang suliraning ito. Ang totoo, ito ay may kinalaman sa kalikasan at pinakadiwa ng mga lider ng relihiyon ng pagtutol sa Diyos at pagkapoot sa katotohanan. Sa pagbabalik-tanaw sa nakaaang dalawang libong taon, nang gawin ng Panginoong Jesus ang gawain upang tubusin ang sangkatauhan, nasagupa Niya ang pinakamatinding pagsalungat at pag-uusig mula sa mga punong pari, sa mga escriba at mga Fariseo. Dahil ang paraan ng pangangaral ng Panginoong Jesus at ang mga himala na Kanyang ginampanan nang panahong iyon ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa kabuuan ng Judea. Maraming karaniwang tao ang naakit sa mga salita ng Panginoon at sunud-sunod silang bumaling sa Panginoong Jesus. Nakita ng mga punong pari, ng mga eskriba, at ng mga Fariseo ang ganito bilang banta sa kanilang katayuan at mga kabuhayan, at nakipagsabwatan sila sa pamahalaang Romano upang tutulan at kondenahin ang Panginoong Jesus. Nagpakalat sila ng mga usap-usapan, siniraang-puri ang gawain ng Panginoon at ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Ngayon ang kasaysayan ng nakaraang dalawang libong taon ay nauulit na naman. Nakikita ng mga lider ng relihiyon na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay tinatanggap ng nadaragdagang bilang ng mga tao at kaagad silang nagseselos at nakikipagkaisa sa pamahalaan ng CCP sa pagtutol at pagkondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ganap na ipinakikita nito na karamihan sa mga lider ng relihiyon ay mga anticristo na hindi umiibig sa katotohanan at iniibig lamang ang katayuan. ‘Mula pa noong sinaunang panahon, ang tunay na daan ay palagi nang nasusupil.’ Hindi kung gayon nakapagtataka na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay masasalungat at makokondena nang matindi ng masasamang puwersa ng CCP at ng relihiyosong komunidad.” Oo, ang mga Fariseo, mga punong pari at mga escriba ay pawang kilalang tao na may awtoridad sa relihiyosong komunidad, nguni’t hindi sila tunay na mga mananampalataya sa Diyos at hindi inibig ang katotohanan. Nalalaman nila na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo at Diyos, gayunman upang mapanatili ang kanilang katayuan at mga kabuhayan, kinondena nila at nilapastangan ang Panginoon. Ang kanilang kalikasan ay talagang upang tutulan ang Diyos at maging mga kaaway ng Diyos. Sa kasalukuyan, ang paraan ng pagkilos ng mga pastor at mga nakatatanda sa relihiyosong komunidad pagdating sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay kagaya ng ginawa ng mga Fariseo. Lumilitaw na sila ay mga anticristo na napopoot sa Diyos, napopoot sa katotohanan! Nang ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay hinuhulaan sa Biblia, sinasabi nito, “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:25). Ngayon ang Makapangyarihang Diyos ay dumarating upang gampanan ang Kanyang gawain, gayunma’y Siya ay tinututulan at kinokondena ng relihiyosong komunidad at ng ateistang rehimen ng CCP. Hindi ba ito ang katuparan ng hula ng Panginoon? Sa sandaling iyon, ang aking puso ay pinaliwanag. Nagpatuloy si kapatid na Wu sa kanyang pagbabahagi: “Ang negatibong propaganda na ipinakalat ng pamahalaan ng CCP at ng relihiyosong komunidad sa Internet ay talagang sinadya upang wasakin at gambalain ang gawain ng Diyos. Palaging nagagamit ni Satanas ang mga kasinungalingan upang manlinlang at lituhin ang mga tao at upang mag-alinlangan, itatwa, at pagtaksilan ng mga tao ang Diyos. Sa bandang huli, sila ay parurusahan ng Diyos at ipadadala sa impiyerno, at mawawalan sila ng pagkakataon na mailigtas ng Diyos magpakailanman. Dapat nating maintindihan ang kanilang mga usap-usapan at matanto ang kanilang masasamang hangarin at kasuklam-suklam na layunin sa pagpapakalat ng mga usap-usapan. Kung hindi, tayo ay malilinlang at mawawalan ng pagkakataon na mailigtas ng Diyos.” Tumango ako sa pagsang-ayon at nadama na ang pagbabahagi at tulong ng kapatid ay nakarating sa tamang panahon. Nasasabik akong magpatuloy sa pakikinig…

Inilabas ng kapatid na Wu ang aklat ng mga salita ng Diyos at sinabi sa akin: “Kapatid, magbasa tayo ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos! Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Sa Aking plano, si Satanas ay laging nakasunod sa bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging sumusubok maghanap ng mga daan at paraan upang masira ang Aking orihinal na plano. Ngunit susuko ba Ako sa mapanlinlang na pamamaraan? Ang lahat ng sa langit at ng sa lupa ay naglilingkod sa Akin—ang mapanlinlang na pamamaraan ba ni Satanas ay may pagkakaiba? Ito mismo ang pinagsangahan ng Aking karunungan, at ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang alituntunin kung saan ang Aking buong plano sa pamamahala ay isinasakatuparan. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, ngunit patuloy pa rin sa gawain na dapat Kong gawin. Sa lahat ng bagay sa sanlibutan, napili Ko ang mga gawa ni Satanas bilang Aking kasalungat. Hindi Ko ba ito karunungan? Hindi ba ito mismo ang kamangha-mangha tungkol sa Aking gawa?’” (“Kabanata 8” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sinabi ng kapatid na Wu sa pagbabahagi: “Nakikita natin sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos ay kumakatawan sa kalooban, karunungan at pagiging mahiwaga ng Diyos. Mula simula hanggang sa katapusan, ang gawain ng Diyos ay hindi umiiwas sa panlilinlang ni Satanas, nguni’t ginagamit ang panlilinlang ni Satanas para sa kapakanan ng gawain ng Diyos, upang gawing perpekto ang mga tunay na naniniwala sa Diyos at gawing ganap ang plano sa pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Kung wawariin, tila si Satanas ay puno ng kapalaluan sa kanyang paglaban sa Diyos nguni’t ang karunungan ng Diyos ay ginagamit batay sa panlilinlang ni Satanas. Noong una, pinásámâ ni Satanas ang sangkatauhan, nguni’t hindi ito winasak ng Diyos nang tuwiran. Sa halip, ginagamit ng Diyos ang tatlong yugto ng Kanyang gawain upang iligtas ang sangkatauhan at, habang inililigtas ang sangkatauhan, hinahayaan ng Diyos si Satanas na lumikha ng mga paggambala at mga pag-antala, ang Kanyang layunin ay upang ipakita ang tunay na diyablong mukha ni Satanas ng pagpapásámâ at panglilito sa sangkatauhan, ng naghuhumiyaw na pagtutol sa Diyos at pagiging ang kaaway ng Diyos, upang makita talaga ng sangkatauhan ang pangit na mukha at masamang diwa ni Satanas. Sa paggawa nito, kaagad na naitatakwil at natatalikuran ng mga tao si Satanas at nagbabalik-loob sa Diyos, at si Satanas ay ganap na mapapahiya at mabibigo. Ito ang pinakamakapangyarihang patotoo laban kay Satanas, at inihahayag nito ang karunungan at pagkamakapangyarihan ng Diyos. Kung paanong si Job ay isang taong may takot sa Diyos na umiiwas sa masama, gayunma’y hinayaan ng Diyos si Satanas na pahirapan si Job at sa bandang huli ginamit Niya ang patotoo ni Job sa mga pagsubok upang hiyain si Satanas at patunayan na ang pagtimbang ng Diyos kay Job ay tama sa kabuuan. Ito ang karunungan ng Diyos. Idagdag pa rito, ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagliligtas at pagpeperpekto sa mga tao. Ito rin ang gawain ng pagbubukud-bukod sa mga tao ayon sa kanilang uri at pagtatapos sa kapanahunan. Ginagamit ng Diyos ang pag-uusig ng pamahalaan ng CCP at ng relihiyosong komunidad upang maiparanas sa mga tao ang iba’t ibang pagsubok at kapighatian. Nauunawaan ng mga tunay na naniniwala sa Diyos ang katotohanan at nagkakaroon ng pagtalos sa pagdaranas ng mga kapighatian, naaalaman nila ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos, nakakaaninag sa kasamaan ni Satanas, at sa bandang huli ganap na naitatakwil si Satanas at nakakamit ang pagliligtas ng Diyos. Nguni’t ang mga mahiyain, ang mga walang tunay na pananamplataya, ang mga nababagot sa katotohanan at ang masasama na napopoot sa katotohanan ay nalalantad lahat sa pamamagitan ng mga pagsubok at mga kapighatian at sila ay nagiging mga pakay ng pagbunot. Sa gayon ang mga kambing ay naihihiwalay sa mga tupa, ang mga panirang-damo sa trigo, at ang mabubuting tagapaglingkod sa masasamang tagapaglingkod, at ang matatalinong dalaga sa mangmang na mga dalaga, sapagka’t ang lahat ay pinagbubukud-bukod ayon sa kanilang uri. Ito ang karunungan at pagkamakapangyarihan ng Diyos.” Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng kapatid na Wu, wala akong magawa kundi ang muling isipin ang dalawang libong taon nang ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus ng mga Hudyong Fariseo at ng pamahalaang Romano. Sa pananaw ng tao, ang gawain ng Panginoong Jesus ay nabigo, nguni’t sinabi ng Panginoong Jesus, “Naganap na.” Dahil talaga sa pag-uusig ni Satanas at pagpapako sa krus kaya tinapos ng Diyos ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw sa kasalukuyan, ang pagkondena at paninira ng pamahalaan ng CCP at ng relihiyosong komunidad ay nakatulong sa pagperpekto ng Diyos sa mga tunay na naniniwala sa Kanya, at naging patunay din ang mga ito upang hatulan sila. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Aking karunungan ay ginagamit batay sa mga panukala ni Satanas” (“Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa Biblia ay nakatala: “Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan!” (Roma 11:33). Sa pag-iisip dito, nakita ko na napakatalino at napakahiwaga ng gawain ng Diyos, at pinupuri ko ang Diyos sa kaibuturan ng aking puso.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kapatid na Wu, nagkaroon ako ng maliit na pagkaunawa sa gawain ng Diyos at parang magagawa ko nang makilala ang pinakadiwa ng pagtutol ng pamahalaan ng CCP at ng relihiyosong komunidad sa Diyos, nguni’t hindi ko pa rin naintindihan ang sinabi nito sa Internet tungkol sa paniniwala natin sa isang tao, iyon ay, paniniwala sa tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Tinanong ko ang kapatid na Wu: “Sinasabi sa Internet na naniniwala tayo sa isang tao. Totoo ba iyon?” Ibinahagi ng kapatid na Wu ang may kinalaman sa katanungang ito: “Ang suliranin mo ay ang hindi malinaw sa iyo ang tungkol sa katotohanan na may kaugnayan sa pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at sa gawain ng tao. Basahin muna natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at ito ay kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin niyan, ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa kapanahunan, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawain na dapat gawin ng tao, na hindi kinapapalooban kahit kailan ng gawaing pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang proyekto sa loob ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tanging ang tungkulin ng mga tao na ginagamit at walang kinalaman sa gawaing pamamahala.’ ‘Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay hindi kumakatawan sa karanasan ng Kanyang laman; ang gawain na ginagawa ng tao ay kumakatawan sa karanasan ng tao. Nagsasalita ang bawa’t isa tungkol sa kanyang pansariling karanasan. Maaaring tuwirang ipahayag ng Diyos ang katotohanan, habang maaari lamang ipahayag ng tao ang katumbas na karanasan pagkatapos maranasan ang katotohanan. … Kailangan mo lamang na ihambing ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito upang masabi kung ito ay sariling gawain ng Diyos o gawain ng tao’ (‘Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao’ sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinauunawa sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang gawain ng Diyos ay ang gawain ng paghahatid sa isang bagong panahon. Ito ang gawain na kumakatawan sa buong panahon at may kinalaman din sa gawain ng buong sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa ng mga tao ay hindi naghahatid ng anumang bagong Kapanahunan, hindi nito napangungunahan ang buong Kapanahunan, ni ito ay may kaugnayan sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng tao ay ang gampanan lamang ang tungkulin ng tao sa saligan ng gawain ng Diyos. Paggawa ito ng ilang gawain ng pagdidilig, pagtustos at paggabay sa mga tao na pumasok tungo sa realidad ng mga salita ng Diyos at ito ay ginagawa sa pakikipagtulungan sa Diyos, nguni’t hindi napapalitan ng gawain ng tao ang gawain ng Diyos Mismo sa anumang paraan, ni naibibilang ito sa kaparehong kategorya ng gawain ng Diyos. Gaya halimbawa ng Kapanahunan ng Biyaya, nang sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan, inaakay ang mga tao sa isang bagong panahon. Nang natapos ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, sinimulang ipagpatuloy ng apostol na si Pedro at ng iba pa ang gawain ng Panginoong Jesus, inaakay at pinapastol ang iglesia at inaakay ang mga kapatid upang sundan ang daan ng Panginoon. Ito ay pakikipagtulungan sa kabuuan sa gawain ng Panginoong Jesus. Sa panahong iyon, tinanggap ng mga tao ng iglesia ang pagpapastol at pangunguna ni Pedro, nguni’t walang sinuman ang nagsabi na naniniwala sila kay Pedro o sa iba pang apostol. Ito ay isang katunayan. Gayundin, nakakarating ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at natatapos ang Kapanahunan ng Biyaya at inihahatid ang Kapanahunan ng Kaharian; ginagampanan Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos at ipinahahayag ang lahat ng mga katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Kung nauunawaan, naisasagawa, at napapasok natin ang mga katotohanang ito, tayo kung gayon ang magtatamo ng tunay na kaligtasan at magagawang perpekto. Subali’t, dahil sa mahina ang ating kakayahan, sa pamamagitan ng pagbabasa natin mismo sa mga salita ng Diyos at sa pagdanas sa mga salita ng Diyos, ang pagtatamo ng tunay na kaligtasan ay napakahirap at isang napakabagal na proseso. Kung kaya, itinalaga ng Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu upang akayin tayo. Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay paunang naihahanda at nagagawang perpekto ng Diyos. Mayroon siyang karanasan ng pagtatamo ng kaligtasan at pagiging perpekto sa pamamagitan ng pagdanas ng gawain ng Diyos. Ginagamit niya ang kanyang karanasan sa mga salita ng Diyos upang gabayan tayong kilalanin ang mga salita ng Diyos at pasukin ang mga salita ng Diyos. Itinutulot nitong hindi tayo masyadong malihis sa katotohanan. Hangga’t tinatanggap natin at sinusunod ang pangunguna at ang pagdidilig ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, kung gayon natatahak natin ang tamang landas ng paniniwala sa Diyos at ng pagtatamo ng tunay na kaligtasan. Ito sa kabuuan ay ang kagandahang-loob at pagpapala ng Diyos sa atin. Ang gawain na ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay nakapagbibigay-kapurihan at sumasaksi sa Diyos at gumagabay sa atin upang sundin at sambahin ang Diyos. Hindi niya kailanman hinihingi sa atin na ituring siya bilang Diyos, ni hinihingi niya na maniwala tayo sa kanya. Malinaw sa lahat ng mga hinirang ng Diyos ang tungkol dito: Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay kapatid lamang natin at lider natin, at naniniwala tayo kay Cristo ng mga huling araw, sa Makapangyarihang Diyos, hindi sa tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Naging usap-usapan sa Internet na naniniwala tayo sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Isa lamang itong pagbaluktot sa mga katunayan at isang pag-aalinlangan sa tama at mali. Ito ay maling paniniwala ni Satanas at isang kasinungalingan upang dayain ang mga tao. Mabuti pang pumunta ka sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang makita mo mismo, maglakad kasama ng mga kapatid, makinig sa kanila at unawaing tunay. Makikita mo kung gayon na binabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nananalangin kami sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at naniniwala kami sa nagkatawang-taong Diyos Mismo, iyon ay, sa Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang may hawak ng kapangyarihan sa kabuuan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga salita ng Diyos ang may hawak ng kapangyarihan. Kaya sabihin mo sa akin, naniniwala ba tayo sa isang tao o sa Diyos? Hindi ba halata?” Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng kapatid, nakaalam ako nang kaunti tungkol sa gawain ng Diyos at sa gawain ng tao at naunawaan ko rin nang bahagya ang tungkol sa hangarin ng Diyos sa pagtatalaga sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Naalaman ko rin na naniniwala kami sa Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, hindi sa isang tao. Hindi ko maiwasang mag-isip sa sarili ko: Ang tinanggap namin ay ang gawain ng Diyos at ang panustos ng mga salita ng Diyos. Naniniwala kami sa Makapangyarihang Diyos; hindi kami sumusunod at naniniwala sa isang tao. Tila ang mga usap-usapang iyon sa online ay talagang mga kasinungalingan ni Satanas, at ang mga ito ay mga kabulaanan na ang layunin ay ang linlangin ang mga tao. Sa pasimula, ang ating mga unang ninuno, si Adan at si Eva, ay natangay ng mga panlilinlang ni Satanas, sila ay nagkasala at pinalayas sa Halamanan ng Eden sapagka’t sila ay nakinig sa mga kasinungalingan ni Satanas. Ang mga taong Hudyo na sumama sa mga Fariseo sa pagpapako sa krus sa Panginoong Jesus ay nakinig din sa mga usap-usapan at natangay ng panlilinlang ni Satanas at naging habampanahong mga makasalanan laban sa Diyos. Dapat akong matuto mula sa mga leksyon ng nakaraang mga kabiguan. Hindi na ako dapat natatangay ni Satanas.

Binuklat ng kapatid na Wu ang kabanata ng mga salita ng Diyos na may pamagat na “Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao,” at ibinahagi sa akin: “Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Siya na kinakasangkapan ng Diyos, sa kabilang banda, ay yaong inihanda ng Diyos, at siyang nagtataglay ng isang partikular na kakayahan, at mayroong pagkatao. Siya ay inihanda at ginawang perpekto nang patiuna ng Banal na Espiritu, at ganap na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at, lalo na pagdating sa kanyang gawain, siya ay tinagubilinan at inatasan ng Banal na Espiritu—bilang resulta nito walang paglihis sa landas sa pangunguna sa mga hinirang ng Diyos, sapagkat tiyak na pananagutan ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain sa lahat ng mga pagkakataon.’ Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao at nalalaman na ang masamang sangkatauhan ay walang katotohanan, na hindi nila nauunawaan ang mga usapin ng espiritwal na mundo at sila ay mayroong mga pagkaunawa at mga maling akala tungkol sa gawain ng Diyos. Kaya binigkas ng Diyos ang mga katotohanan tungkol dito upang ipaunawa sa atin ang mga pagpapagal ng Diyos sa paggamit sa mga tao upang gawin ang gawain. Iyon ay, ginagawa Niya ito upang tulungan tayong pumasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay upang iligtas ang sangkatauhan. Ang lahat ay ginagawa ayon sa ating mga pangangailangan at ganap na kumakatawan sa pag-ibig at habag sa atin ng Diyos….” Ang karagdagang pagbabahagi ng kapatid na Wu ay lalo pang nagpasulong sa aking kamalayan tungkol sa mga pagsisikap sa likod ng pagtatalaga ng Diyos sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu upang gabayan tayo, at nakita ko na talagang nagdaan ang Diyos sa napakaraming kaguluhan upang iligtas tayo. Ang mga salita ng Diyos ay napakapino at sinasalita upang alisin ang ating mga pagkaunawa at mga pagkaintindi tungkol sa Diyos, upang tunay tayong nakakarating sa harap ng Diyos at natatanggap ang pagliligtas ng Diyos.

Nang umalis ang kapatid na Wu, sinabi niyang lalo pa akong magbasa ng mga salita ng Diyos at iniwan din ang pagbabahagi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu para basahin ko. Isang araw nakakita ako ng isang sipi ng pagbabahagi: “Sa mahalagang huling sandaling ito, ang mga taong nasa gitna ng kanilang mga pagsasagawa ay dapat gawing unang prayoridad ang: pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos, anuman ang ipagkatiwala ng Diyos na ipagagawa sa kanila, ang pagsasakatuparan ng kanilang mga tungkulin, habang pinasasaya ang Diyos at ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mga ito ang tanging paraan upang maisagawa ang katapatan sa Diyos. Madalas na sinasabi ng mga naunang santo, ‘Hindi mahalaga ang ating mga pakinabang at kawalan; dapat nating pagtuunan ang kalooban ng Diyos.’ Ito ang dapat na maging salawikain ng lahat ng tao. Ang mga partikular na gawi ay ang mga sumusunod: Kapag dumating ang panghihimasok ni Satanas, ang unang tungkulin ay protektahan ang patotoo ng Diyos at gawain ng Diyos at gamitin ang katotohanan upang talunin si Satanas; kapag nakaharap ka sa kasalanan o tukso, dapat unahin ang pagbibigay luwalhati sa Diyos, at hindi maaaring magkasala ang tao laban sa at ipahiya ang Diyos; kung mayroong mga tao, mga usapin, o mga bagay na pumipigil sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, mauuna ang mga bagay na ipagkakatiwala ng Diyos sa kanila at kailangan nilang kumawala sa lahat ng gusot at maging matapat sa Diyos; kung at kapag lumitaw ang mga bagay na mahalaga sa personal na interes ng tao, mauuna ang mga interes ng pamilya ng Diyos. Napakahalaga ng pagtalikod sa iyong mga personal na interes at pagbibigay ng konsiderasyon sa puso ng Diyos. Kapag ikinukulong at pinipigilan ng mga makamundong pangyayari ang isang tao, dapat mauna ang pagtupad nila sa kanilang tungkulin at pagpapasaya sa Diyos at dapat nilang isantabi ang lahat ng bagay at gumugol sa Diyos” (“Pakikipag-usap tungkol sa ‘Katapatan sa Diyos’” sa Tinipong mga Sermon—Tustos para sa Buhay). Buong-linaw kong nalaman mula sa pagbabahagi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu kung paano ako dapat magsagawa sa totoong buhay upang bigyang kasiyahan ang kalooban ng Diyos at kung ano ang gagawin upang maging tapat sa Diyos. Nadama ko na talagang ginagabayan tayo ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu upang sundin ang Diyos, upang pumasok sa katotohanan at tuparin ang kalooban ng Diyos. Nagawa kong pahalagahan na ang “tagapagpaliwanag” na inihanda ng Diyos para sa atin ay talagang mahusay! Lalo pa akong nalinawan na paunang naihahanda ng Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu upang gabayan tayong unawain ang katotohanan nang mas mabilis at makilala ang Diyos. Ito ang tapat na pag-ibig ng Diyos sa atin. Sa puntong ito, ganap akong nakaaninag at kinalimutan ang mga usap-usapang iyon na ikinalat sa online na kumokondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at tumutuligsa sa tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Mula sa pagiging balisa, sa wakas ay mapapanatag na ako. Naniniwala na ako talaga na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sa pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakasasabay ako sa mga yapak ng Kordero, nakadadalo sa pagdiriwang ng kasal ng Kordero at naitataas ako sa harap ng luklukan ng Diyos!

Matapos pagdaanan ang paggambalang ito ni Satanas, lalo pa akong naging kumbinsido tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ngayon ay nasusunod ko na ang Makapangyarihang Diyos sa loob ng mahigit na isang dekada. Naiisip ko ang lahat ng mga pagkaunawa na mayroon ako nang katatanggap ko pa lamang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hanggang sa pagkaunawa sa ilang katotohanan at pagkaaninag nang malinaw sa mga usap-usapan ng CCP at ng relihiyosong komunidad, pagtatakwil sa aking mga pagkaunawa at hindi na nalilinlang, hanggang sa pagpupursigi na habulin ang katotohanan at pagtupad ng aking tungkulin bilang isang nilikha at pagsukli sa pag-big ng Diyos, at pagsunod nang may paninindigan sa Makapangyarihang Diyos. Ang lahat ng ito ang nagtulak talaga sa akin upang pahalagahan ko ang katotohananan ng mga salitang ito ng Diyos: “Sa kanyang relasyon sa Diyos sa katawang-tao, ang tao ay umuusad mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa pagkaintindi patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pag-ibig. Ito ang mga epekto ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Salamat sa Diyos! Ang lahat ng kaluwalhatian ay sa Makapan


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento